Chapter 15
Znela
Hindi ako nakasagot at para akong naging bato matapos niyang isagot sa akin ang isa pang tanong, I looked down a bit saka tinignan siya ng masama.
"PWEDE BA WAG MO AKONG DINA-DAAN DAAN SA GANYANG STYLE MO!" sigaw ko sa kanya saka nag walk out sa harap niya.
Hindi na siya sumunod sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, naiinis ako na, na naguguluhan na, hindi ko maintindihan. I bit my lower lip habang naglalakad na nakakuyom ang mga palad. I want to shout at paghahampasin lahat ng nasa harap ko pero hindi pwede, baka makulong pa ako!
-----
"Ang cute niya!" Sam commented matapos kung ipakilala si Theo sa kanya kanina, nakatulala lang siya at halos malaglag ang panga ng makita niya ng malapitan si Theo "Ang gwapo pa tapos ang macho! Ayy! May katapat na si Mr. Genius dito sa school!"
"I doubt!" sagot ko "Mr. Genius is Mr. Genius!" napatingin si Sam sa akin saka nanlaki ang mga mata
"Did I hear you right?" tanong niya saka ginilid ang mga libro at hinawakan ang noo ko "Hindi ka naman nilaglagnat ah, yung totoo, sa side ka ngayon ni Terrence?
I narrowed my eyes saka tinignan siya "Pwede ba Sam!" sita ko saka tinanggal ang kamay niya sa noo ko "Wala akong sakit, at lalong hindi ko siya kinakampihan, I'm just stating the obvious, oo gwapo si Theo pero hindi niya maaabot ang kasikatan na meron si Terrence..."
"Ahh naninibago talaga ako sa iyo Zee!" she concluded saka bumalik sa pagkakaupo "Tell me , what's the real score?"
"Real score?"
"Yep, between you and Terrence!" she said, I growled
"SAM!" I yelled at her while rolling my eyes "You know the truth!"
"Before yeah but now, things are getting more confusing, ano bang meron sa inyo ni Terrence, lagi kayong magkasama, nagseselos na nga ako eh!" himutok niya saka siya nag pout.
"He is just my mentor, you know that!" sagot ko saka umiwas ng tingin "Isa pa hindi kami laging magkasama, kala mo lang yun!"
"Eh what about the way of staring at each other? What the about saving you most of the time? What about the smiles you two have shared, kala mo di ko nakikita?"
"Wala yun! Sadyang malawak lang talaga imagination mo." maikli kong sagot saka tumayo at kinuha lahat ng gamit ko, sumunod si Sam na nagmamadali at pilit na sinasabayan ang paglakad ko.
"Eh kumusta yung contest? Ready ka na ba?" tanong niya saka biglang hinampas ang sariling noo "Ayy! Nakalimutan kong sabihin sabi ni Miss Chin may iniwan daw siyang reviewers dun sa table niya kahapon, mawawala kasi siya ng isang linggo, nagka emergency yata sa kanila, yun na daw ang last set ng reviewers mo at-" binabaan ni Sam ang boses saka bumulong "Nakuha niya daw yung mga yun sa previous problem sets na binigay dun din daw sa contest kaya malaking tulong sa iyo yun kung nagkataon!"
"Kailan niya sinabi sa iyo?" I asked her
"A-Ahh kahapon? Di kasi kita nakita eh!" sagot niya saka ngumiti at nagkamot ng batok
"Kukunin ko na lang ngayon!" sagot ko saka niya ako sinamahan. Kumatok kami sa department office, tatlong professors lang ang andun kaya pumasok na rin kami. Dumiretso ako sa table ni Miss Chin pero wala akong nakitang reviewers "Excuse po, Sir may iniwan po bang files si Miss Chin para sa akin?" tanong ko kay Mr. Javier
"I'm sorry Miss Jimenez pero wala siyang nabanggit sa akin, you can ask the other professors who were there before Miss Chin left!" sagot niya at nagpasalamat na lang ako. I asked them lahat pero walang may alam kung saan iniwan ni Miss Chin yung reviewers, I even called her pero hindi ko siya ma contact.
I breathe out heavily matapos mapatingin kay Sam "S-Sorry?" sabi niya saka kinagat ang labi "H-Hindi ko naman alam na mawawala yun, I d-don't-"
"Okay lang wala ka namang kasalanan Sam!" sagot ko saka lumabas na lang kami ng office.
"A-Ahh sabi nga pala ulit ni Miss Chin, you really need Terrence in order to win, siya lang kasi kayang makasagot ng mga tanong doon!" saka ko siya tinignan ng masama.
"Yung totoo? Kailan mo balak sabihin sa akin ang lahat ng ito?" medyo pagalit kong sabi.
"Sorry ulit?" I rolled my eyes on her saka umiling pa. Naglakad kami sa corridor habang pilit kong tinatawagan si Miss Chin ng bigla kong nakasalubong ang head ng department namin "Look si Mr. Nuevas!"
"Sir!" bati ko sa kanya, tumango siya
"Buti nakasalubong kita, naibigay ko na yung reviewer na iniwan ni Miss Chin na para sa iyo kay Mr. Villaflor!" sabi niya
"T-Totoo po?" tanong ko at bigla akong siniko ni Sam matapos magtanong ng ganun "I'm s-sorry Sir I mean, s-sige po kukunin ko na lang sa kanya!"
"Mabuti pa ngang kausapin mo siya, I tried to answer some of the questions pero hindi ko nasagot hangga't hindi ako humingi ng tulong sa kanya eh, you should work really well with him, he is a big help!"
"Bakit hindi na lang siya ang i-contest niyo eh sa panay naman kayo puri sa kanya?" bulong ko at alam ko hindi niya yun naririnig.
"What did you say Miss Jimenez?" tanong niya
"Wala po Sir!" sagot ko saka nagpaalam na sa kanila.
"Okay, if you want to see Mr. Villaflor antayin mo na lang siya siguro sa klase niyo, he is at the board room."
"O-Okay Sir!" sagot ko saka agad na rin kaming umalis ni Sam.
"Ang gara talaga ni Terrence ano? Tsk! Iba talaga kung anak ng isa sa pinakamataas sa school na ito!" napatingin ako kay Sam, Sam didn't know that Terrence is an...is an illegitimate child. Not everyone knows na anak siya sa labas, only those people who are close to them or people who have the interest.
And it's not that I'm interested. Nalaman ko lang din yun matapos kong marinig sa usapan nila Mommy at Daddy iyon, it was after the second marriage of his father and the original wife, Mr. Toffer Villaflor's mother, pinalabas nila na pinalaki si Terrence sa ibang bansa at itinago sa magulong buhay dito sa Pilipinas. Of course my Mom knows all of that, bakit? Shempre sa business world, lahat konektado!
Hindi na rin lumabas at napalaki ang issue though may mga speculations na lumabas noon tungkol sa ibang family ni Mr. Villaflor pero dahil sa connections at pera lahat yun namatay at nabaon na rin sa limot at ito nga, Terrence is living like full-blooded Villaflor, an heir to the largest and most popular clothing line. Sobrang napalawak pa yun ng mag merge ang company ng mga Alfonso na kilala sa Textile industry, they are growing big and strong.
I can remember the event where the 'The Money Tree' our lending company closed a deal with the Villaflors. Malaki ang pinasok nilang pera sa company and until now isa parin sila sa may pinakamalaking kompanya na may connection sa amin. Alam ni Mommy lahat ng kwento sa likod ng pagkatao ni Terrence, w-well sort of, kaya siguro ganun na lang siya kagalit sa kanya, plus the fact that I also have an illegitimate sibling na hindi ko pa nakikita at wala akong balak makita!
"He is a Villaflor!" sagot ko na lang saka nagpatuloy sa paglalakad. Sam just nodded at me, Sam grew up with a very harmonious family, yung tipong every Sunday complete sila, may family gatherings or events at least once a month. Very contrast sa buhay na meron ako. Sam came from a well-off family they also have a family business. Her father owns an architectural firm. Hindi pa sila ganun kalaki pero little by little, they're creating their own brand in construction world.
Their current level doesn't expose them that much sa mga ganitong topic. May dugong Japanese si Sam pero hindi na halata sa kanya, mas nangingibabaw kasi ang lahing Spanish na meron siya na nakuha niya sa half-Spanish niyang Mommy. Simple lang siya pero masaya parati. I envy her for being like that!
She's sweet, caring, and thoughtful at siya ang isang uri ng kaibigan na papahalagahan mo at hindi mo iiwan dahil alam mong hinding hindi ka rin niya iiwan.
"Hi Miss Suzuki!" napatigil kami sa paglalakad matapos makasalubong si Theo, kumindat siya kay Sam, doon ko naramdaman ang pagkapit ni Sam sa braso ko saka pinisil iyon, napangiwi pa ako sa sakit. Ang babaita, kinilig nanaman.
"ELA!" sabi ni Theo saka malapad na ngumiti naman, he opened his arms saka lumapit sa akin saka ako mahigpit na niyakap "Buti nakita ko kayo, saan nga pala yung room ko?" sabi niya saka nilabas ang phone at pinakita ang room assignments niya "I mean saang building?"
"Teka bago ba ang schedule mo? Di ba tinuro ko na sa iyo?" I asked him saka tinignan ang ipinapakita.
"Oo eh, bigla nila akong pinatawag sa office, binago lahat ng sched ko!" sagot niya saka ako nabigla matapos makita kung saang building siya dapat mag room, laging contrast yun sa building na papasokan namin, halimbawa nasa east wing kami ng 7 AM, siya naman nasa west wing ng school, ang weird!
"Doon!" turo ko sa mataas na building "Yan ang building mo!" sabi ko. Tumango siya saka ako inakbayan agad. Nabigla pa ako kaya hindi ako nakagalaw. He even embraced me saka hinalikan sa pisngi.
"Hulog ka talaga ng langit!" sabi niya pa, tinap ko ang braso niya dahil para na akong nasasakal saka nakita ko rin ang pamumula ng mukha ni Sam matapos niya kaming makita.
"P-Pumasok kana!" utos ko sa kanya saka tinulak papunta sa direction ng building niya, kumaway pa siya ulit sa amin ni Sam bago pa tuluyang umalis.
"Bakit ba ang swerte mo?" himutok ni Sam saka biglang nagpout "Kala ko magkaka sparks na ako kay Theo pero mukhang may gusto siya sa iyo!"
"SAM!"
"Eh ke Papa Terrence wala naman akong pag-asa dun kasi yung hanap nun yung kayang tumapat sa talino niya eh average girl lang ako, minsan pasado minsan bagsak pero madalas pasang awa lang!" I bit my lower lip matapos pigilang matawa sa sinasabi ni Sam. I patted her shoulder saka nagsalita.
"Illusions mo lang yan!" sabi ko "At kung totoo man wala akong balak na pumasok sa isang relasyon, sa pag-aaral pa lang nga sumasakit na ang ulo ko sa relationshits pa na ganyan!" I assured her, tumingin siya sa akin. "Tama na, mag-aral na lang kesa isipin yan, okay?" tumango siya saka pinunasan ang mata, ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako.
--------
Natapos ang buong klase at buong araw rin wala si Terrence. Hindi siya pumasok sa kahit na anong subject, kahit yung last subject namin na panggabi na natatapos wala parin siya.
"Zee!" tawag sa akin ni Sam habang inaayos ko ang bag ko para umuwi na "Pupunta kami sa bahay nila Mamita hindi na kita masasamahan sa paglalakad hanggang sa gate dahil sa kabilang gate ako dadaan!" paalam niya tumanggo ako.
I was walking on corridor ng biglang tumunog ang phone ko. si Miss Chin tumatawag "Miss Chin?" sagot ko agad doon
"Miss Jimenez!" nabigla ako sa tono niya kasi medyo pagalit.
"M-Miss Chin I've been c-calling you-"
"Anong utos ko sa iyo?" putol niya sa sasabihin ko "Di ba I asked you to cooperate with Mr. Villaflor?" napalunok ako "Bakit ganyan ang ginagawa mo? Self study? Hindi ka sumusunod sa kanya? Alam mo Miss Jimenez kung pangalan mo lang ang dinadala mo this time wala akong pakialam eh pero pangalan ng school ang i-rerepresent mo, you should follow my instruction and accept Mr. Villaflor's help!"
"M-Mam kasi ganito po yun, h-hirap ako-"
"Reserve all your insecurities Miss Jimenez, swallow your pride this time kasi si Mr. Villaflor lang ang pwedeng tumulong sa iyo!" huminga ako ng malalim at hindi napigilan ang galit matapos niyang sabihin iyon
"Eh bakit hindi na lang po siya ang ilaban niyo?"
"Did I hear you right?" sagot niya sa kabilang linya matapos sigurong mabigla sa sinagot ko "I can't believe na yan ang sinabi mo, why don't you take it as a big opportunity para maging una ngayon?" napalunok ako sa sinabi niya "Znela Jimenez, alam kong alam mo kung pang ilan ka lang talaga kaya you should be thankful dahil nag ri-risk ang school sa iyo wherein fact merong mas magaling at di hamak na mas marunong sa iyo, we are giving you the opportunity to fulfill your dream, to be the number one, it's just the beginning kaya kung gusto mong manalo, get your ass out of there at pumunta ka na sa office ng student body, ngayon na!" saka niya ako binabaan ng tawag.
I breathe out and calmed myself. Padabog akong pumunta sa office ng student body. Pagbukas ko ng pinto nagtinginan pa ang mga officers sa akin. Terrence was sitting on the swivel chair habang may nag prepresent sa kanya sa harap, yung president ng student body.
"Okay that's all for today I'll let you know about this and I'll give you updates, don't worry I'll talk to my Mom about it!" saka niya pinalabas lahat ng mga officers.
"What do you want?" tanong niya with a serious tone. I looked at him but he wasn't looking at me "This?" sabi niya saka tinapon sa harap ko ang binigay ni Miss Chin. Pinulot ko iyon, napanganga ako sa mga tanong na nasa loob. Saan ba nila napulot ang mga ganitong problems? Di naman ito tinuro ah!
"Where are the answer keys?" tanong ko
"Di ba you study all by yourself?" he asked "Then answer it, you don't need my help anyway!" I was about to answer him ng biglang nag vibrate ang phone ko, I opened it at doon ko nabasa ang message ni Miss Chin.
'If you're going to refuse sa lahat ng utos ko at utos ni Mr. Villaflor mas mabuti ng bawiin namin sa iyo yan at sa iba na ibigay, I will just tell your Mom na hindi ka marunong sumunod sa simple instructions!"
Huminga ako ng malalim saka pumikit. I let myself relax and calm for a bit, kailangan ko mag-isip ng mabuti! Mas nakakahiya kung babawiin nila sa akin ito dahil alam ng lahat na ako na ang ilalaban!
"What now?" tanong ni Terrence sa akin. Kinuyom ko ang palad ko saka diretsong tumingin sa kanya
"Give it to me..." mahina kong sabi pero alam kong rinig niya, ngumisi siya
"Why now? Ilang beses kong inoffer sa iyo ang tulong ko di ba? And all what you did is to refuse, mabait ako seatmate pero marunong din akong magsawa!" lumunok ako matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko kayang sagutan ang mga nasa questionnaire, out if this world at panay advance pa na di pa namin natatake up, wala akong kilalang mapaghihingian ko ng tulong...b-bukod sa kanya...
" I c-can't answer it..." pagsasabi ko ng totoo
"Then ask help!" sagot niya "Ask Theo, baka kaya niya!" saka siya ngumisi
"Terrence!"
"What?"
"A-Ano bang gusto mong gawin ko?" saka tumingin sa baba
"Strip off!" nanlaki ang mata ko saka tumingin sa kanya
"Shempre joke lang!" saka siya tumawa "Simple lang naman ang gusto ko, tanggapin mo ang tulong ko, tanggapin mo lahat ng binibigay ko sa iyo!" kumunot ang noo ko "Hep hep!" rinig kong sabi niya saka tinaas ang isang daliri "At ayaw kong sinusungitan mo ako, ano deal?"