Chapter 14

1753 Words
Chapter 14 Znela "Ela!" tawag sa akin ni Theo saka pa kumaway "Halika!" tawag niya ulit bago ko naihakbang ang paa ko. Nakayuko ako habang naglalakad palapit sa kanila, nanlaki ang mata ko ng mabilis niya akong inakbayan dahilan para mapalapit ako sa kanya. I heard Terrence cleared his throat at dahan-dahan ko rin siyang sinulyapan. Hindi ko alam kung sa akin o sa kamay ni Theo na nakapulupot siya nakatingin. "You're here..." I finally heard Terrence's voice. "Oo nga, dito ka rin pala Pare!" masigla pang sagot ni Theo "Ahh! Buti nakita kita, my Lolo told me about the case na pinapaayos sa company niyo, don't worry daw siya mismo ang mag-aayos nun..." Lolo niya? si Atty. Wine Salazar? Madalas ko siyang makita nung mga bata kami pero ngayon hindi na. Napatingin ako kay Theo, wala nga ata siyang balak tanggalin ang kamay niya sa balikat ko. "I'll tell my brother about that..." seryosong sagot ni Terrence. Nakatingin ako sa malayo ng bigla siyang magtanong din agad "You know each other?" "Ah? Kami?" tanong ni Theo "Yes, Ela is my long lost childhood sweetheart!" sabi niya saka pa ako hinalikan sa pisngi. Nanlaki ang mata ko at nakita ko na ganun din si Terrence. Hinampas ko ang kamay niya dahilan para tumawa siya ng malakas "Luh! Bakit? Kinakahiya mo na ako Ela?" tanong niya na parang nang-aasar pa "Long lost childhood sweetheart..." rinig kong ulit ni Terrence habang nakatingin sa akin, napatingin din tuloy si Theo sa akin tapos sa kanya. "Ikaw? I know, you know each other kasi you have the same school and same program as well, tama ba ako Ela?" "A-Ahh? Ahh! O-Oo...Oo naman..." sagot ko saka inalis ang kamay niya na nakaakbay pa sa akin. "Shoot! Why don't you two tour me around at ipakita sa akin kung saan masarap kumain dito sa new school ko? Ano okay ba?" sabi niya saka tinignan si Terrence bago ako. "That's fine with me!" sagot ni Terrence at nauna ng naglakad. "Ela?" gising sa akin ni Theo. "A-Ahh, s-sure! Sure!" sagot ko at naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin sa paglalakad. Pumunta kami sa may east wing ng school, dun kasi mas maraming food stores, hindi na kami lumabas ng campus at busy rin ako sa pagsabi kung saan saang building at floors makikita ang rooms niya matapos niyang ipakita sa akin ang COR niya. Theo sat beside me. Parehas kaming nakayuko at nakatingin sa COR habang ako ay nagpapaliwanag sa kanya "Eh saan ulit ito?" tanong niya ng biglang napatingin kami kay Terrence matapos tumunog ang kutsara niyang nahulog sa babasaging plato. "Oops, sorry!" hingi niya ng tawad habang nakatingin sa akin ng diretso. "Alam mo pare kung gusto mo mag-aasign ako ng isang taong mag-totour sa iyo sa buong campus, hahatid at sundo ka pa niya sa classroom mo!" sabi niya at napatingin si Theo sa kanya. Hindi ako nakasagot sa inasta ni Terrence, ganun din si Theo pero ilang segundo lang, tumawa siya at tumangu-tango kay Terrence "Maganda yang naisip mo ah, pwede bang mag-request?" "Anything pare!" "Yung chikababes ah!" sabi niya at parang may private joke silang tinawanan na ako lang ang hindi nakakaalam. Nag fist bump pa sila bago umupo ng maayos si Theo sa tabi ko at hinarap si Terrence "I'm glad that you are here" sabi niya referring to Terrence "I know hindi ako mahihirapan sa pag-adjust since andito kayong dalawa ni Ela!" sabi niya saka inaunat ulit ang kamay at inakbayan ako. "HUH!" sabi ni Terrence, medyo mataas at may kalakasan "Sure, anything pare!" sabi niya at hindi maalis ang tingin sa kamay ni Theo "So, how did you two, met?" "Ela here is my childhood friend to be honest, magkapit-bahay kami at mag bestfriend bago ako umalis ng Philippines at manirahan sa ibang bansa..." tumango-tango si Terrence "Kayo? Bukod sa pagiging schoolmates, paano kayo nagkakilala?" "Oh!" sagot ni Terrence saka kumumpas pa sa hangin "Nothing serious, seatmate lang naman kami since gradeschool, we are not that close!" he said with sarcasm. I opened my mouth and mouthed some words to him pero di niya ako pinansin "Ako nga ata ang first dance niya nung JS Prom at salutatorian ko rin siya nung highschool, there's nothing between us really..." sagot niya pa at nakita ko kung paano natulala at na speechless si Theo. Naramdaman ko rin ang dahan-dahan niyang pag-alis ng kamay sa balikat ko and he even cleared his throat "S-So ah, you know each other, well, I can sense that!" sabi niya saka tumingin sa akin. I took a deep breath saka kinagat ang labi sabay tingin sa malayo. "Nuh! Not that close..." ulit ulit ni Terrence, ang walang hiya talaga! Ano ba ang gusto niyang palabasin? "Ahhh, how about you two?" singit ko para mai-divert yung usapan "Kayo? P-Paano kayo nagkakilala? Sabi mo last week ka lang dito?" "Villaflors are our family's client, they trust us with all the legal matters and it's vice versa!" sagot sa akin ni Theo "It was two years ago when my Lolo asked my father to meet one of the Villaflors for a private and serious matter at nagkataon naman na sumama ako sa kanya at si Terrence sa Kuya niya, yun nabighani niya ang mga mata ko!" pagloloko ni Theo "Pogi kasi eh!" dagdag pa niya "No but seriously, nagkaroon kami ng time para mag-usap and we found out that we do have the same taste..." "Taste?" ulit ko doon "Yeah!" Theo answered me "Motorcycles!" "We have the same hobby, motocross..." Terrence cut in "We do have the same taste in designs, unit, and such!" "I couldn't argee more!" Theo mumbled "We really do have a lot of things in common but I do hope na meron parin tayong pagkakaiba sa taste, like in terms of women..." kinuha ni Terrence yung lemonade niya saka uminom doon at saka seryosong binaba yun sa mesa "Siguro naman magkaiba tayo doon, di ba?" "A-Ah!" Theo leaned on the chair saka tumawa ng malakas "You saw my ex-girlfriend, right? What can you say?" tanong niya "I have a better taste!" pagyayabang nanaman ni Terrence. I just rolled my eyes matapos silang magtawanang dalawa. Tama ba yun? Pag-usapan ba naman ang mga babae sa harap ko? Ano tingin nila sa akin, bato? "Oops!" sabi ni Theo matapos tumunog ang phone niya, sinagot niya saglit iyon saka binaba din agad "I'm sorry guys, I have to report to my Lolo!" paalam niya "Ela, I'll go to your house later, okay?" sabi niya saka ako tumango, mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at sabay pa kaming napatingin ng mabulunan si Terrence habang umiinom kasabay nun "Are you okay pare?" "Y-Yes, yes, I'm good!" sagot niya saka tumango na lang kay Theo. He left us there at shempre nakaroon ng ilang segundong awkward moment. Huminga ako ng malalim at kukunin ko na sana ang bag ko ng nagsalita siya "Talk to me!" at parang may authority sa boses niya, kumunot ang noo ko saka siya tinignan. " I have no time for that!" sagot ko saka tuluyan ng kinuha ang bag. Naglakad ako at sumunod siya. Binilisan ko pero mabilis din siya "ANO BA?" sigaw ko saka huminto "Ano bang gusto mo?" "IKAW!" sagot niya napalunok ako at hindi nakapagsalita "I-Ikaw, anong gusto mo at bakit umaarte ka ng ganyan?" dagdag niya, nakahinga ako. Narinig ko ang hinga niya ng malalim saka saglit na pumikit tapos tumingin din sa akin "Okay, I want to know your progress, I m-mean sa pagrereview mo, Miss Chin asked me about that at hindi ko alam ang isasagot ko!" "Tell her that I'm good and I'm ready!" sagot ko "Pumunta ka daw sa office niya after class may ibibigay siya!" tumango lang ako pero "L-Look, I don't want to be like this!" bigla niyang sabi, napatingin ako sa kanya "Do you want us to be like this forever?" "Okay! You know want Terrence I can't accept whatever you are offering! Kuha mo? I don't like you to be my friend! I don't want you sticking around me, it gives me creeps!" "Sakit mo namang magsalita!" "Exactly pero bakit mukhang hindi ka nasasaktan?" tanong ko at natigilan siya. Nakita ko ang paglunok niya saka pag-iwas ng tingin saglit pero narinig ko ulit siyang nagsalita. "I want to say sorry for everything that I have done before, ilang ulit ko ng sinabi sa iyo yan, bakit ba sobrang inis mo sa akin? I am doing everything I can just to be with-, just to be friends with you! Why can't you see that?" "Alam mo ilang beses ko na ring uulitin sa iyo ito, ayaw kitang maging kaibigan, bakit ba ang persistent mo? Hindi mo ba nakikita? Tubig ka, oil ako, we can't be together okay? We can't even stay in the same place together!" "Stop that nonsense! Alam kong humahanap ka lang ng taong pagbubuntunan ng galit mo! Alam kong alam mo na wala akong kasalanan sa iyo pero pilit kang humahanap nun, okay, sige! Naiintindihan ko pero sana naman makita mo yung efforts ng mga taong nakapaligid sa iyo, yung mga taong handa kang tulungan, handa kang damayan!" Tinignan niya ako sa mga mata habang nagsasalita at naramdaman ko kung paano ka-sincere ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya. "If you are hurt wag kang gumawa ng mga hakbang para makasakit din sa ibang tao just to get even!" nakita ko ang pagkuyom ng palad niya "Dahil baka sa kakataboy mo, dahil baka sa kakasakit mo sa maling tao, mas wala ng matira sa iyo!" "Sanay na akong mag-isa..." sagot ko sa kanya "Kung ganoon bakit hindi mo sanayin ang sariling mong may ibang tao rin naman na handang samahan ka?" napalunok ako sinabi niya "Alam mo masyado mo kasing nilulubog ang sarili mo sa hinanakit eh! Masyado mo kasing nilulubog ang sarili mo sa sama ng loob! Bakit hindi buksan ang mga mata at puso mo para makita mo naman na may mga taong handa kang samahan hanggang sa dulo?" "S-Stop!" sagot ko sa kanya saka yumuko, biglang sumikip ang dibdib ko sabay yun ng pag-iinit ng magkabilang gilid ng mga mata ko "J-Just...Just stay away from me!" sabi ko na halos mawalan na ng boses "J-Just please-" "I can't..." sagot niya at napatingin ako sa kanya "W-What did you say?" "I can't stay away from you..." "W-Why?" tanong ko sabay tulo ng mga luha ko "T-Tell me why!" lumapit siya sa akin saka yumuko. He looked at me, he looked at my face, he looked at my eyes and he looked at my soul through that! Para akong nanghina matapos niyang hawakan ang magkabilang braso ko. Nakita ko ang paggalaw ng mga namumula niyang labi bago nagsalita. "E-Ewan ko, ikaw? Ano sa tingin mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD