Chapter 5
Znela
“Yan kasi, lagi kong sinasabi sa iyo na matulog at magpahinga ka naman, parang ikaw na rin ang nagtratrabaho ng buong accounting department ng company niyo kung makapag-aral ka eh!”
Sermon sa akin ni Sam matapos umalis sa harap namin yung school doctor. Tinanong niya ako kung gaano kasakit ang ulo ko at sinabi ko naman na normal na sa akin ang ganito. He told me to rest at ito nga sa sermon naman ni Sam ako nabibingi!
“Sabi ko naman sa iyo, isang inom ko lang ito ng gamot!” sagot ko matapos siyang magtatalak sa akin, I smiled saka hinawakan ang kamay niya “Thanks for the concern Sam...”
“Naku Zee, kung hindi lang kita mahal matagal ko ng sinukuan ang tigas ng ulo mo!” saka siya naupo sa harap ko, inabot niya ang isang energy drink saka kinuha ang gamot ko sa may bag. Uminom na rin ako agad “Ihahatid na kita sa bed mo, pahinga ka muna dito, wag kang aalis, babalikan kita after class!” tumango na lang ako sa kanya.
Huminga ako ng malalim matapos tignan ang buong school clinic, buti nga dito ako dinala ni Sam hindi doon sa hospital na nasa kabilang building lang din namin. Inalalayan niya akong makatayo saka nilihis yung curtain para makahiga na ako sa kama. Bumeso siya saka umalis na rin. I took a deep breath saka pumikit at inihiga na ang buong katawan. Sobrang sakit ng ulo ko kanina pero unti-unti na ring nawawala iyon ngayon dahil sa gamot.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Sam kanina “Aba, pakialam ko ba kung may bago nanaman siya!” salita kong mag-isa ng biglang may kumalabog sa kabilang curtain, umupo ako saka nilihis iyon, laking gulat ko kung sino ang andoon habang pinupulot ang cellphone niyang nahulog “ANONG GINAGAWA MO DITO?” sigaw ko at biglang kumirot ulit ng ulo ko, sinapo ko iyon agad saka nahiga ulit. Argh! Nakakainis naman!
“Anong nangyayari sa iyo?” tanong niya habang tinitignan ako “May sakit ka ba?”
“Malamang! Kaya nga andito ako eh!” sagot ko saka siya inirapan.
“Ahhh!” sagot niya saka nahiga ulit.
“I-Ikaw bakit kaba andito at nag-iingay?” tanong ko naman “May sakit ka rin ba?”
“Wala!” prente niyang sagot “Inaantok ako eh, dito lang naman may malambot na higaan!” saka siya ngumiti sa akin “Gutom ka ba? Gusto mo bili kita food?” tanong niya pero inirapan ko lang siya, kung hindi naman dahil sa iyo hindi ako mapupunta dito eh! Nakakasakit ka naman ng ulo kasi!
“Busog ako!” sagot ko saka humiga ng patagilid
“Sungit...” rinig kong sabi niya pero hindi ko na siya pinansin. Ilang minuto rin ang nagdaan at walang kumibo sa aming dalawa. I took several deep breaths at wala na rin ang sakit ng ulo ko, well sort of! I cleared my throat ng maramdaman ko ang paglapit niya sa bed ko.
“Di kaba papasok?” tanong niya, nilingon ko siya, nakatingin siya sa wristwatch niya bago sumulyap sa akin.
“B-Bakit?” tanong ko saka kumunot ang noo
“Eh mag ta-time na eh, hindi ka papasok?” ulit niya
“H-Hindi na siguro...” sagot ko saka umayos ng upo, I brushed my hair using my fingers at narinig ko ang paghiga niya ulit sa clinic bed “I-Ikaw, hindi ka papasok?” tanong ko naman
“Hindi na, di ka naman papasok eh!” sagot niya saka ako kinindatan, biglang nagwala ang puso ko matapos iyon, pasimple kong kinabog yun, bwiset kung natuturuan lang ang pusong wag mag-react matagal ko ng ginawa!
“Pumasok kana, ayaw kong may maingay, magpapahinga ako!” pataray kong sabi saka siya tinignan ng matalim.
“Ayaw ko nga, di naman ako nag-iingay eh, ikaw nga dyan tanong ng tanong sa akin eh!” sagot niya, ABA’T!
“KAPAL NG MUKHA MO HUH! KUNG TADYAKAN KAYA KITA DYAN?”
“Ito naman di na mabiro!” sagot niya sa akin saka umupo sa gilid ng kama ko, inayos niya ang relo niya saka ulit tumingin sa akin, nabigla ako ng ipinatong niya ang palad niya sa noo ko at yung isang kamay naman sa noo niya, hinampas ko iyon! “A-Ah, sakit ah!” angal niya sa akin.
“Ano ba kasing ginagawa mo?” tanong ko saka pinunasan ang noo
“Tinitignan ko lang kung may lagnat ka! Ang putla mo kasi, kumakain kaba ng maayos?” tanong niya saka ulit ako tinignan.
“Pake mo ba? Saka wala na akong lagnag!” sagot ko saka lumayo sa kanya
“Talaga? Nagpa check-up ka na ba sa doctor mo? Di ba laging sumasakit ang ulo mo?” tanong niya kaya tinignan ko siya.
“P-Paano mo nalaman? Tinitignan mo ako parati nuh!” sabi ko at agad ko ring narinig ang tawa niya.
“Di naman, lagi ko lang naririnig ang sermon sa iyo nung Sam!” saka tumaas-taas ang kilay niya habang nakangiti.
“Tsss! Migraine lang ito dahil sa stress sa school at sa bahay!” sagot ko
“Ikaw bahala pero walang masama kung magpapa-check-up ka!” pilit niya parin, tinignan ko siya ng masama, nag pout siya saka bumulong ulit “Eh di wag kung ayaw mo, ako na nga itong nagmamagandang loob eh! Tsk!” saka siya tumayo at kinuha ang jacket na nakasabit sa upuan na nasa gilid ng bed niya.
“S-Saan ka pupunta?” tanong ko
“Aalis na, ayaw mo naman ako dito di ba?” tanong niya saka sinabit ang black leather jacket sa balikat saka ako nilingon “Sigaw ka lang kung may naramdaman kang kakaiba, balita ko marami daw gumagalang ligaw na kaluluwa lalo na dito sa school clinic!” saka siya kumaway.
“HINDI AKO TAKOT SA MULTO!” sigaw ko pero patuloy parin siya sa paglakad palabas ng kwarto, kumaway pa siya ulit bago tuluyang sinara na sliding door. Huminga ako ng malalim saka niyakap ang sarili matapos biglang lumamig ang airconditioning unit sa loob.
“T-Teka? May naglakas ba?” tanong ko sa sarili ko saka napatingin sa paligid. Napalunok ako ng makitang walang ibang tao nga doon maliban sa akin. Tumayo ako saka inabot ang bag. I also grabbed my cardigan ng biglang tumunog ang phone ko sa loob ng bag “AHHHHHH!!!!” sigaw ko saka pilit na binubuksan ang pinto “T-Teka? Bakit nakalock? OPEN THE DOOR!” sigaw ko sabay kalabog doon
Sobrang lamig na ng pawis na lumalabas sa akin! Patuloy ang paghampas ko sa pinto at pilit na binubuksan iyon ng biglang mayroon akong narinig na sumisipol, mahigpit kong nahawakan ang bag ko at cardigan matapos mapansin kung saan galing ang sipol.
“AHHHHHHHH!!!!!!!” sigaw ko saka napaupo, pinalo-palo ko ang pinto at halos masubsob ang mukha ng biglang bumukas iyon. Muntik ko pang mahalikan ang sapatos ng lalaking nasa harap ko! T-Teka? Sapatos?
Unti-unti kong inangat ang tingin ko at para akong nilalamon ng lupa ng makita ko ang nakangising mukha ni Terrence.
“Di pala takot sa multo huh?” tinignan ko lang siya na nakaawang ang bibig habang naglalakad siya pabalik ng bed, may kung ano siyang kinuha sa pagitan ng unan saka natatawang tumingin sa akin. Inangat niya ang phone niya saka sumipol ng nakakatakot tulad ng narinig ko kanina!
“TERRENCE!” sigaw ko habang gigil na gigil “BULLY KAAAA!!!!!!” sinugod ko siya at pilit na sinasabunutan pero hindi ko maabot ang ulo niya dahil na rin sa tangkad at bilis niyang kumilos. Tatawa-tawa siya habang iniiwas ang buhok sa akin “ANG SAMA MO! KAHIT KAILAN KA TALAGA WALA KANG GAGAWING MATINO SA AKIN!” at dahil doon hinuli niya ang kamay ko saka ako tinulak sa wall. Napalunok ako ng nakatingin siya sa akin ng diretso.
“Wala talaga akong gagawing matino lalo na’t ikaw at ako lang ang andito sa loob...” bulong niya sa akin, napalunok ako at parang naghina ang tuhod dahil sa ginawa niya, hindi lang bully, pervert pa! “Ano? Try na-AHHHHH!” sigaw niya matapos kong inuntog ang noo ko sa noo niya.
Agad ko ring nasapo ang noo ko matapos iyon “f**k! ANG TIGAS NG ULO MO!” sigaw niya habang hawak parin ang sarili niyang noo. Agad niyang tinignan ang namumulang noo sa salamin “Aish! May date pa naman ako mamaya!” rinig kong bulong niya saka niya hinawi ang buhok para takpan ang namumulang noo.
Tinulak ko siya saka pinulot ang bag at cardigan ko na nakakalat sa sahig. Agad na rin akong umalis ng lugar na padabog at masama ang loob. Pagkatapos niya akong paglaruan at patayin sa takot, ipaparinig niya pa na may date siya? Che! Paki ko sa kanya? Mabuti ngang magbukol siya ng di na makalabas ng bahay!
“SEATMATE!” rinig kong sigaw niya mula sa likod ko “OI SORRY NA!” hindi ako tumigil at lalo pang binilisan ang lakad, napangiwi ako ng maramdaman ang kirot sa may noo, kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang frontcam, dun ko nakita ang namumula ko ring noo “Oi sorry na!” ulit pa niya ng maabutan ako.
Hinawakan niya ang braso ko saka ako hinarap sa kanya, nakita ko ang nagpipigil niyang tawa matapos makita ang noo ko “Ano?” tanong ko na kinatahimik niya.
“Sorry na nga, prank lang yun!”
“PRANK MONG MUKHA MO! PAANO KUNG MAY SAKIT AKO SA PUSO?” sigaw ko sa kanya na kinatahimik niya, naging seryoso ang mukha niya at napalunok, tumingin siya ulit sa akin and this time alam kong sincere na siya.
“Sorry...H-Hindi ko dapat ginawa iyon...” hingi niya ng tawad, huminga ako ng malalim.
“Umalis ka na nga sa harap ko! Di ba may date ka pa? Umalis ka na ng maging payapa naman sa mundo! Inaantay kana ng NANAMI MO!” saka ako natigilan matapos sabihin iyon, ngumisi siya saka ako tiniginan ng nakakaasar.
“Bakit kilala mo si Nanami?” nang-uusig niyang tanong
“A-Ah? Wala narinig ko lang!” saka ko siya tinalikuran, nakita ko ang paglakad niya sa gilid ko habang nagtetext, kumunot ang noo ko matapos siyang tumingin sa akin habang nakangiti.
“Ang sakit ng noo ko!” bigla niyang angal, nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang bag ko saka iyon kinarga, kasunod nun ang paghila sa akin!
“OIII!” sigaw ko pero di niya parin ako binibitawan “ANO BA? BAKIT MO AKO HINIHILA? MAY GUSTO KA SA AKIN NUH?” at doon tumigil siya sa paglalakad pero di parin binibitiwan ang kamay ko.
“Hawakan ko lang ang kamay mo, may gusto agad? Di ba pwedeng singilin muna kita dahil sa ginawa mo sa noo ko?” nang-aasar niyang tanong “Pero kung yun ang gusto mong isipin, feel free to do that!” at napanganga na lang ako.