Chapter 4

1470 Words
Chapter 4 Znela “Don’t be shy!” sabi ni Terrence saka binuksan ang coke in can na binili ko, oo ako ang bumili! “Alam ko hindi ka pa kuma-“ napatigil siya ng tinignan ko siya ng masama “What?” tanong niya saka ngumuso “Alam mo seatmate maraming nagugutom ngayon, kung sasayangin mo ang foods, naku malaking kasalanan yan!“ sabi niya sa saka ibuksan ang kanya. “Bakit andito ka? Sinusundan mo ba ako?” tanong ko sa kanya at halos maibuga niya ang softdrinks na iniinom “Stalker ba kita?” biglang namula ang mukha niya saka nagtatawa ng malakas, ngayon ko lang siya narinig tumawa ng ganun! “Teka! Akala ko ba galit ka sa mga assuming?” natigilan ako dahil sa sagot niya, ngumisi siya saka nilapit ang mukha “Ano?” saka tinaas baba ang kilay, pinitik ko kamo ang noo niya!” AWW! NAKAKADALAWA KA NA AH!” sabi niya saka hinimas ang noo. “Bakit ba kasi andito ka? Ano? Nagpapacute ka? Kala mo magugustuhan kita kasi sinave mo yung phone ko? Feeling prince charming kana kasi nahuli mo yung magnanakaw?” sunud-sunod kong sabi, ngumiti lang siya saka preskong sumandal sa upoan, walang ibang customer bukod sa amin, siya din namili ng mga kakainin namin tapos siya rin ang may lakas loob na sabihing wag mahiya, ang loko naman talaga oo! “May presscon si Rio dyan sa may hotel…” seryoso niyang sagot “Tungkol sa pagbibidahan niyang teleserye, I was here to loosen up a bit, masyadong maraming tao sa loob, tapos umupo ako sa bench, tapos ilang minuto dumating ka, Happy?” inirapan ko siya matapos magsalita “Bakit ba ang sungit mo sa akin?” bigla niyang tanong saka ipinatong ang dalawang kamay sa mesa, he bent it saka pinatong din ang mukha, he was looking at me, sanay ba siyang makipagtitigan? “Seriously? You’re asking me that?” and I rolled my eyes on him. “I am…” sagot niya habang hindi parin inaalis ang tingin sa akin. “Matanong nga kita, kung ikaw lagyan ng chewing gum sa buhok hindi ka maiinis? Kung ikaw tapunan ng balat ng saging ang daan, hindi ka puputok sa galit? Kung ikaw lagyan ng buto ng manok ang bag dahilan para butasin ng mga insekto, hindi ba liliyab ang ulo mo?” I closed my fist at itinaas niya ang dalawang kamay dahil doon “Ngayon, tanungin mo ulit ako kung bakit naiinis ako sa iyo! Ikaw!” turo ko sa kanya “Ikaw? Wala ka na bang ibang gusto asarin bukod sa akin? Huh?” “Oooh! Nagawa ko na ba lahat yun?” tanong niya kaya lalo akong umusok sa galit “Hey! Hey, kalma ka lang! I was so young that time. Ano ka ba?” “YOUNG?” napatayo ako, napatingin siya sa paligid saka pinilit na paupoin ako saka pangiti ngiti sa mga crew na nakatingin sa amin “EH YUNG PAGLALAGAY NG MGA BALAT NG CANDY SA BAG KO? YUNG PAGSUSULAT SA NOTEBOOK KO NG KUNG ANU-ANO? YUNG PAKIKIALAM SA CELLPHONE KO? AT YUNG PAGLALAGAY NG BATO SA BAG KO? ANO? BATA KA PARIN BA HANGGANG NGAYON?” “Hihihihi….” Sagot niya saka hinawakan ang kamay ko, he tried to calm me down and let me sit again “Ikaw naman, nagbibiro lang ako…” ABA’T! “NAGBIBI-“ “SHHHH!” pigil niya sa akin “Kalma lang seatmate. Ikaw naman, sorry na…” “Sorry?” “Osige, ako na magbabayad lahat yan…” tinignan ko siya ng masama. “TIngin mo wala akong pambayad?” “Hindi naman sa ganon, ito naman…” saka siya tumingin sa orasan niya, I saw him typed something on his phone saka tumingin sa akin “Rio’s press con is done, kailangan ko pang sunduin ang pamangkin ko…” tumayo siya, siya ang ang bayad sa may cashier saka ako binalikan. Cheneck ko ang wallet ko “Are you good?” tanong niya at napatingin ako sa kanya, agad akong napalunok ng marealized ko na wala na akong enough cash para pang taxi pauwi, agad niyang inagaw ang wallet ko. “Saan aabot ang 150 mo?” parang nang-aasar pa niyang tanong “Taxi drivers don’t accept credits cards…” dugtong pa niya, ngumiti siya saka binalik ang wallet ko “You want to join us? We’ll take you home!” “Kaya ko ang sarili ko!” sagot ko saka tumayo agad, I was about to go out ng biglang nasipa ng hinliliit ng paa ko na may paltos na ang mesa “AWW s**t!” I cursed saka napaupo, namilipit ako sa sakit! Bakit ba kasi laging nasasabit ang hinliliit sa paa? “Halika na!” nabigla ako ng yumuko at lumuhod siya sa harap ko, his back is facing me “We’ll take you home!” “Ayaw ko!” pagmamatigas ko, hinila niya ang kamay ko dahilan para mapayakap ako sakanya, he then grabbed my legs at tumayo rin agad, napayakap ako sa leeg niya “Hindi ito isang utang na loob…” sabi ko at nakita ko ang pagngisi niya. Kinuha niya ang bag ko “Hindi ako naniningil…” sagot niya “T-Teka bakit ang bigat?” tanong niya ng maisabit na niya iyon sa harap niya, biglang nag-init ang pisngi ko ng maalala ko yung tungkol sa bato, baka kung malaman niya na itinago ko baka kung ano pa ang isipin niya, mamaya ko na nga itatapon! “Wag mo na ngang pakialamanan!” sagot ko at narinig ko ang pagtawa niya, naglakad na rin siya pagkatapos, medyo may kalayuan ang hotel mula sa kinainan namin kanina. I bit lower lip saka pasimpleng nilapit ang mukha sa leeg niya, infairness kahit pinagpapawisan, ang bango parin niya ah! “P.A. ka ni Rio?” I suddenly asked. “Gusto lang ni Ate na may kasama siya ngayon sa presscon…” sagot niya at tumango ako, si Ate Maria? Yung napakabait na asawa ng Kuya niya? I met her once, maganda siya at mukhang binibining Pilipina! “She is just 10, bukod sa P.A niya at body guards gusto ni Ate na samahan ko siya sa mga ganitong event…” “Pati ba si Rylle, sinasamahan mo rin?” tanong ko at tumigil siya sa paglalakad. “Wag mong sabihing crush mo yun?” tanong niya at biglang nagside view, buti na lang maagap kong nailayo ang mukha ko, ngumisi siya. “Gwapo siya at magaling umarte. Tulad ni Rio, siya ang gumaganap ng mga batang lead role…” naglakad ulit si Terrence “Sinong hindi magkakagusto sa kanya?” “Tsss! Hindi lahat ng gwapo nag-aartista. Yung iba, may pasan lang na masungit na babae…” at natahimik ako sa sagot niya. I pouted at nanahimik na rin “Wait me here, susunduin ko lang si Rio…” pinapasok niya ako sa back seat ng SUV na gamit nila, nabigla ako ng makita ko si Rylle doon habang tulog at nakikinig ng music, pasimple ko siyang kinunan ng picture. “Ma’am, pwede po bang wag niyong ikalat yan?” nabigla ako ng nagsalita ang driver. “A-Ahhh opo, don’t worry, I’m just a fan and I’m safe.I mean, it’s safe with me…” at ilang minuto pa ng bigla kong narinig ang malakas na sigawan at biglang dumog ng press, nakita ko mula sa loob ng sasakyan kung paano nila harangan si Rio habang yakap siya ni Terrence hanggang sa makapasok ng sasakyan. “Gosh!” rinig kong sabi niya saka kinuha ang alcohol “They are becoming more wild…” sabi niya saka pinunasan ng P.A ang pawis sa noo niya “Eh? Who are you?” tanong ni Rio sa akin ng mapansin niya ako sa loob, doon na rin nagising si Rylle, ngumiti ako. “A friend…” sagot ni Terrence saka umupo sa tabi ko “We’ll take her home…” “Friend? Girl-friend?” tapos niya ako tinaasan ng kilay “Well, then, hello friend!” ngumiti siya saka pinikit na rin ang mata “Kambal, tulog ka ulit, may interview tayo after three hours…” Kasama ko ngayon ang dalawa sa pinakasikat na childstar sa bansa at katabi ko ngayon ang pinakamahanging tao na nakilala ko sa buong buhay ko! What a day! ----- Agad akong naligo at nagbihis matapos nila akong inihatid sa bahay. I was combing my hair ng mapatingin ako sa bag ko. I opened it saka napangiti, kinuha ko ang bato saka pumasok sa storage room ko. I placed it kasama ng mga scratched papers and candy wrappers na nilagay niya dati sa bag ko. I was keeping it f-for… for memories…Hindi dahil gusto ko ang pinaggagawa niya kundi d-dahil…dahil ugali ko ng mag-ipon ng kung anu-ano! Yez! Andito lahat ng mga gamit ko since childhood nu! Nothing special about Terrence’s things… ---- Ang bilis ng araw, ilang linggo na lang finals na, at ilang buwan na lang birthday ko na. Nakangiting binigay sa akin ni Sam ang isang sandwich at sola, galing siya sa foodcourt “Thanks!” pasasalamat ko, umupo siya habang naka pout ang labi. “Anyare?” tanong ko saka umiling-iling, binuksan ko ang notes ko saka sinimulang basahin iyon. “Si Terrence…” naiiyak niyang sabi, ngumuso pa siya saka nagsimulang magtubig ang mata. “Oh? Anong nangyare?” “May girlfriend na siya!” saka ako niyakap ni Sam, napatingin ako sa paligid, halos lahat ng babae, tulala at may hawak na panyo na parang namatayan. “Ah? Lagi namang merong bago ah!” sagot ko saka hinaplos na lang ang likod ni Sam “Maghihiwalay din yun!” “Hindi Zee…” iyak ni Sam “T-Taga kabilang school, yung half-japanese na si Nanami!HUWAAAAAHHHHH!” Nanami? Nanami Sato? Y-Yung. Yung topnotcher sa kabilang school? "T-Teka Sam, biglang sumakit ang ulo ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD