Chapter 3

1728 Words
Chapter 3 Znela Dear Mr. Genius, Nakita ko na pala yung malaking billboard mo sa may EDSA na pinagyayabang mo sa Twitter at i********: account mo! Tsss, kala ko naman kung anong special, yun pala family photo yun ng mga Villaflor. Ano bang meron sa pamilya niyo? Masyadong sikat! Oo, kayo ang pinaka kilalang clothing line sa Asia ngayon, pati bag, sapatos, perfume and beauty products pinasok niyo na rin! Malaki ang kompanya namin pero hindi kami ganun kalantad, masaya bang laging pinag-uusapan? Sana makita ko si Rio at Rylle, naaalala ko baby diapers palang yung ini-endorse nila, nakuha na nila ang simpatya ng masa. Iba talaga kasi yung karisma ng kambal, kaya siguro nahawaan ka na rin! Tungkol nga pala ngiti-ngiti issue mo, gusto ko lang linawin na- “MR. GENIUSSSS?” nanlaki ang mga mata ko ng biglang hinablot ni Sam yung sulat ko “MAY GUSTO KA KAY-asdfgghklfjjjjj!” agad kong tinakpan ang malaki niyang bibig saka hinablot pabalik yung papel. “PWEDE BA SAM? WALA AKONG GUSTO SA KANYA!” sigaw ko pabalik saka padabog na nilagay yun sa loob ng bag ko. “Eh ano yung sulat?” tanong niya saka ako binigyan ng nakakalokong tingin. “A-Ahh? S-Sulat? Yun? Ahh…” tumingin-tingin ako sa paligid “H-Hindi ko kasi masabi sa kanya na sobrang inis na inis ako sa pag-uugali niya, alam mo naman Sam, grade school palang tayo, ako na pinagdidiskitahan niyan!” saka kumunot ang noo ko ng biglang bumigat ang bag ko “T-Teka bakit parang sobrang bigat?” tanong ko sa sarili ko saka binuksan iyon “TERRENNCEEEEEEEE!” sigaw ko sa galit ng makita ko ang isang malaking bato na nakalagay sa loob. Narinig ko ang paghalak-hak ni Sam saka kinuha yun “Favorite target ka niya nu?” tanong niya saka kinuha ang malaking bato “Ahh, sweet!” rinig kong sabi niya saka hinarap sa akin ang bato, napaawang ang bibig ko ng makita ko ang isang smiley na nakasulat doon at pirma niya na parang nag autograph. Nasapo ko na lang ang noo ko! “Amina nga yan!” kinuha ko ang bato saka nilagay sa bag ko. “Oh? Itatago mo?” tanong niya saka ako natigilan. “A-Ah? Hindi ah! Itatapon ko sa labas!” sagot ko at saka na rin umalis ng room, sinuot ko ang bag pack ko saka marahan na naglakad palabas ng school, napatingin ako sa puno habang nalalaglag ang maliit na kulay yellow niyang bulaklak dahil sa malakas na ihip ng hangin. “ZEEEEE!” I looked back ng marinig ko ang boses ni Sam, tumatakbo siya saka hingal na hingal na pinahinto ako. “Anyare?” tanong ko at tinaas niya ang kamay niya senyales para hayaan siyang magpahinga muna. “May rambol!” she finally said “at si Terrence…si T-Terr-“ agad akong tumakbo pabalik kahit sobrang bigat ng bag ko dahil sa bato na nilagay niya kanina. Nabigla na lang ako ng makita ko ang dalawang babaeng nagsasabunutan, tumingin ako kay Sam “Si Terrence ang pinag-aawayan!” she concluded, hingal at pawis din siya dahil sa pabalik-balik na pagtakbo. Napatingin ako sa isang gawi, andun ang mahangin na parang wiling-wili pa sa sabunutang nangyayari. Ilang segundo pa may mga guards na ring dumating at yung head ng disciplinary office ang mismong nagdala sa kanila sa loob ng building, unti-unting nawala ang mga estudyante at nakita ko si Terrence na sumisipol pa paalis ng lugar. Lumapit ako sa kanya “HOY, ANO GANUN NA LANG YUN?” galit kong sabi, tumingin siya saka ngumiti “SEATMATE! HELLO!” bati niya kaya lalong naningkit ang mga mata ko, kinuha niya ang helmet niya saka sinuot ang jacket, he was about to wear his helmet too ng pinigilan ko siya. “Nagsabunutan sila dahil saiyo, ganun na lang yun?” kalma pero naiinis kong sabi, ngumuso siya. “Nadatnan ko na lang silang nag-aaway, labas na ako doon!” sagot niya sa akin, bumuga ako ng hangin dahil sa sagot niyang walang sense! “Hindi mo ba narinig, dahil sa iyo kaya sila nagsabunutan, at hindi mo ba nakilala yun isa doon? Yun yung batang nginitian mo at sinabihan mo na gawan ka ng cupcakes! At yung isa-“ natigilan ako, nakatingin lang siya sa akin “Y-Yung isa yun yung nginitian mo nung isang araw na muntik ng madapa!” “AHHHH!” sagot niya sa akin na parang ngayon niya lang naalala ang lahat. “Di mo parin nakuha? Akala ko ba matalino ka?” tanong ko ulit na malapit ng mabuusan ng dugo sa ulo sa sobrang inis. “Hmm…” he pouted “Na, My smile is dangerous to your health?” sagot niya na akala mo nakikipag-asaran pa, pinitik ko ang noo niya and he shouted dahil doon “What’s that for?” tanong niya habang hinihimas ang namumulang noo. “PARA MATAUHAN KA! HINDI MAGANDANG NAGPAPAASA KA NG MGA TAO!” sigaw ko saka siya tinalikuran, I was about to walk away from him when he grabbed my arm to stop me. “Hindi ako nagpapaasa ng tao at mas lalong hindi ko kasalanan kung assuming sila…” yun lang at binitiwan na niya ang braso ko. “So mabait ka lang ganun? At wala kang pakialam kung paano nila tanggapin ang bawat ngiti at kaway mo sa kanila, ganun?” “Oo…” he shortly said “I have no liabilities in terms of being awesome, hindi ko kasalanan kung pinanganak ako gwapo, matalino, mayaman at pinagpapantasyahan. You can’t blame me for a sin that I didn’t commit…” ngumisi siya matapos makita ang pag-usok ng tenga at ilong ko “Kaya ikaw, wag kang masyadong kiligin sa akin ah! Mahirap na…” he then pinched my nose saka tuluyan ng umalis gamit ang maingay niyang motor. “TERRRENNNCEEEEEE!” sigaw ko sa sobrang inis at galit, ANG HANGIN TALAGA! BWISET! Padabog akong naglalakad hanggang makaabot ng gate, tumayo ako ng ilang minuto doon saka dumating ang sundo ko “Ma’am Ela…” bati sa akin ng driver ko. Zee ang tawag sa akin sa labas ng bahay at ang mga pamilya ko naman tawag sa akin ay Ela, Mom call me Znela Jimenez kung galit na galit siya! Ganun naman talaga ata yun eh! “Ma’am, diretso daw po tayo sa office…” sabi ni Mang Ricardo, tumango na lang ako saka sumandal, sumakit ang balikat ko dahil sa bigat ng bato sa loob ng bag, tapos kumulo pa ang dugo ko dahil sa Terrence na yun! Bwiset talaga! “Ma?” dumiretso ako sa opisina ni Mommy, nakita ko siyang abala sa mga tambak na papeles sa mesa niya. “Have a seat…” seryoso niyang sabi na hindi tumitingin sa akin, all my life ganito na sila, busy sa trabaho, busy sa negosyo, walang isang buong araw na nagsama kami at nag bonding man lang. Tulad ngayon, nasa Singapore si Daddy, ewan ko kung kelan ang balik. “The school sent me all your grades…” simple niyang sabi, napalunok ako. “Sorry Mom, I didn’t make it to the top…” sagot ko “What’s hard for being on the top?” tanong niya saka inalis ang salamin at napatingin sa akin “Znela…” napalunok ako, galit siya, obviously “Binibigay namin lahat ng kailangan mo, ano? Mag-sesettle ka na lang sa pangalawa?” she coldly asked, hindi ko maiangat ang tingin ko. “S-Sorry…” “Sorry? Ano ang magagawa ng sorry mo? Matatalo ba ng sorry mo ang bastardong lalaking iyon?” naiangat ko ang mukha ko “I can’t believe na nagpapatalo ka sa isang anak sa labas, MY GOD ZNELA!” “Mom, don’t call him like that!” sagot ko and she stood up. “Why? Anak naman talaga siya sa labas eh, kaya ewan ko ba sa iyo kung bakit nagpapatalo sa isang tulad niya! God, Znela you are turning twenty at hanggang ngayon andyan ka parin sa posisyong yan! What is wrong with you?” ngumisi ako saka tumayo. “Wow, thank you Ma dahil naaalala mo na mag-twenty na ako, pero naaalala mo ba kung kelan ang birthday ko? Eh yung ibang awards na natanggap ko, alam mo ba? Andun ka ba? Oo anak siya sa labas pero si Terrence minahal siya at binigyan ng oras ng pamilya niya, hindi tulad ko, alam mo ilang beses ko ng hiniling na sana naging anak na lang ako sa labas, kasi mas maganda ang turing kesa sa totoong anak!” nakita ko ang paglaki ng mata niya saka lumapit sa akin, sinampal niya rin ako ng malakas. But I stood firmly. “How dare you?” nanggigigil niyang sabi. “Sana Ma natanong niyo rin yung sarili niyo kung anong pagkukulang niyo, hindi yung ako na lang parati ang may kasalanan!” sabi ko saka ko siya tinalikuran, sinalubong ako ng driver ko pero kinuha ko lang ang bag pack ko sa may back seat saka umalis at naglakad palayo ng building namin. Sinundan ako ni Manong pero hindi ko siya pinansin. Uuwi ako kung gusto ko! “Aish!” napaupo ako sa isang bench sa tapat ng seaside, ang layo na ng nalakad ko, sobrang layo na pumutok na ang hinliliit ko sa paa. I removed my shoe at doon ko nakita na namaltos na talaga yun, tuluyan ko ng inalis ang dalawa kong sapatos saka nag indian sit sa bench. Bigla akong nakaramdam ng gutom matapos makita ang ibang tao na kumakain habang naglalakad. Andami pang tao sa ganito oras, kahit medyo malalim na ang gabi, di pa ako nag dinner at gutom na gutom na ako. Kinuha ko ang cellphone ko saka tinext si Sam, I was about to send her the message ng biglang may humablot ng cellphone ko. “HOY, IBALIK MO YAN!” sigaw ko at nabigla na lang ako ng hindi na siya nakalayo, may pumatid na sa kanya na nakaupo lang din sa bench na nasa tabi ko. T-Teka anong ginagawa niya dito? Tatayo pa sana ang magnanakaw pero tinapakan niya na ito sa may likod. Yumuko siya para kunin ang cellphone ko sa may kamay ng snatcher saka ko siya narinig nagsalita. “Tsk tsk tsk! Wag mo ng uulitin yan ah!” sabi niya saka dumukot sa bulsa at naglabas ng ilang libo mula sa wallet, yumuko siya ulit saka inabot iyon sa lalaki at ngumiti “Mas mabuti ng manghingi, kesa magnakaw ka…” tinulungan niyang tumayo iyon saka hinayaan ng umalis. “I will call a police!” sabi ko saka kinuha ang cellphone ko mula sa kanya pero agad niya rin iyong binawi “Terrence ano ba? Magnanakaw yun! Dapat siyang ikulong! Bakit mo siya pina-“ “Everyone deserves a second chance…” sagot niya sa akin saka niya inabot ang cellphone ko “ ..and I deserved a treat. That convenience store will do!” turo niya doon saka unang naglakad. “T-Teka!” Tawag ko sa kanya “Bakit ka andito? Bakit mo ginawa yun?” he looked back at me saka ngumiti, nakapamulsa siya while looking at me. “Simple, ayaw kong kumalat ang pictures ko na nasa cellphone mo!” he grinned and turned around “I know hindi mo pa binubura…” dugtong niya. AHHHH! BUBURAHIN KO NA KAYA YUN MAMAYA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD