Chapter 25

1890 Words
Chapter 25 Znela "You can sleep if you want, it will be a long hour drive!" Terrence informed me saka inabot ang mini blanket at pillow na nasa backseat. Napatingin ako sa kanya ng ibinigay niya sa akin iyon habang nagmamaneho. "You have these in your car? Always?" I asked out of curiosity. "Ate Maria likes to prepare the twin's things, hindi niya nakakalimutan na maglagay blanket and pillow sa mga kotse dahil alam niyang mahilig matulog ang dalawa tuwing nasa byahe." Sagot niya sa akin kaya napatingin ako sa blanket. "So it's Rylle's blanket?" I asked, he shook his head. "Si Rio ang gumamit niyan the last time hinatid ko siya sa isang recording studio." Ngumisi siya saka tumingin sa akin "Why? Are you disappointed?" he asked at umiwas ako ng tingin. "Hindi naman..." sagot ko na lang. Inunat ko ang blanket at doon ko naamoy ang fresh scent nun. Ang sarap ipangbalot sa katawan lalo pa't malakas ang aircon sa loob ng sasakyan. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana saka siniksik sa may leeg ang maliit na unan. I closed my eyes na medyo mahapdi pa dahil sa pag-iyak kanina. I heard Terrence opened his radio, gusto ko yung music na nag-play kaya hindi ako nagreklamo. "Sleep well, I'll wake you up kung nakarating na tayo." rinig kong sabi niya at hindi na ako sumagot pa. ----------- Nagising ako at unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. I was fascinated with what I saw. Malawak na bukirin, green na green ang mga nakatanim na palay na andun, may mangilan ngilan ding mga puno na di ko alam kung anong uri, basta malalaki sila at matataas. Napangiti ako ng makita ko ang paligid. Kinuwit ako ni Terrence and I saw him smiling at me. He handed me a sandwich pati bottled juice, kumunot ang noo ko. "Pabaon ni Ate yan, she made that sandwich, I assume na gutom kana dahil kanina ka pa tulog, tignan mo malapit na lumubog ang araw, you should eat something at least!" "H-Hindi ako gutom!" sagot ko saka siya inirapan pero iba ang sinigaw ng tiyan ko, he laughed at me saka tumingin na din sa daan. "Pero iba ang sabi ng mga alaga mo!" Terrence mocked, sumulyap siya ulit saka inabot ang pagkain "Sige na kasi, kainin mo na!" kinuha ko iyon saka nahihiyang kumagat sa sandwich, pero dapat ko ring aminin, ang sarap ng gawa ng ate niya ah! Nag-aagaw na ang dilim at liwanag pero nagmamaneho parin si Terrence. Napatulala ako sa paligid, ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong lugar. Kanina ko pa nakikita yung magagandang pananim, kanina palay ngayon naman mais. Maya maya sa tubuhan naman kami nadaan. Nakakasalubong kami ng mga tao, unti-unti lang di tulad sa city, nakasakay ang ilan sa kalabaw habang may hila hilang sako ng mga palay. "Do you want me to open the window?" Terrence asked "The air here is fresh." He added. "Go on." Sagot ko "I want to try!" he happily opened the window at napapikit ako ng dumampi sa mukha at balat ko ang hangin. Totoo nga ang sinabi niya. Malamig at hindi polluted ito. "Ito na ba yung K-Kibok-Kibok?" I asked and he nodded. "S-Sino ang taga dito?" I asked. "Si Ate." Sagot ni Terrence. Binagalan niya ang pagpapatakbo ng kotse ng may mga taong kumaway sa kanya, ibina-bababa nila ang suot nilang sombrero saka ngumingiti kay Terrence. Terrence was waving back at them, mukhang mababait ang mga tao dito ah. "Sa inyo ito? Mula doon sa palayan hanggang dito?" tumango lang si Terrence, napatingin ako sa labas, sobrang lawak naman ng lupain nila, hindi ko alam kung ilang minuto ng tumakbo ang sasakyan simula ng nagising ako pero kung pagmamasdan mo ang daan parang di matatapos ang palayan at taniman. Sa kabilang side, puro pinyahan. "Cottons yan!" sagot sa akin ni Terrence ng mapadaan kami sa isang hilera ng maliit na puno. May nakikita akong pumipitas doon at nilalagay sa basket na nakasabit sa likod nila. "Until now, we our producing the top quality textiles, lahat ng magagandang tela, dito galing. Kahit ang mga telang ginagamit sa Villaflor, dito rin galing." He informed me. "Actually this place is much developed now compared sa unang punta ko dito. If the roads were not constructed, baka mamaya pa tayo makakarating." I was just looking at him the whole time he was speaking. He seems knowledgeable of this place and I find it amusing. Ilang minuto pa ng makarating kami sa tapat ng malaking gate. Napatulala ako ng mapatitig doon. Sobrang taas nun at sobrang laki, parang yung gate sa mga palasyo, ganun ang tingin ko. May nagbukas na dalawang lalaki doon, nakasuot lang sila ng simpleng damit, nagbosina si Terrence at huminto sa harap nila. He smiled at them and greeted them back bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. "Wow!" I can't stop myself in uttering that word. Dahan-dahan ang pagpapatakbo ni Terrence, tingin ko sinasadya niya iyon para makita ko ang lugar. May mga nagwawalis akong nakita sa may gilid at silong ng puno. Kahit medyo madilim na, tuloy pa rin ang pagtratrabaho nila. Yung mga katulong, nakasuot din ng iisang uniform. Nilabas ko ang ulo ko para matignan pa ng mabuti yung lugar. Para akong nasa ibang panahon. Para akong nasa isang paraiso. Para kaming nag time travel. Ang ganda ng paligid, pati yung mga bulaklaking puno, nalalagas ang mga bulaklak niya sa tuwing iihip ang hangin. But what took my breath away was the mansion in front of us. Nanlaki ang mata ko, literal na nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ng makita ko ang nakatayong malaking bahay sa harap namin. Terrence stopped the car in front of it. Napatingin ako sa fountain na andun, buhay ito, may tubig, may mga ilaw. Ang ganda! Ang ganda, sobra! "How was it?" Terrence whispered to me pero dahil sa paghanga sa lugar hindi ako nakasagot sa kanya, I heard him chuckled matapos alisin ang seatbelt ko. he opened his car door saka umikot at pinagbuksan din ako. Napatingin ako ng bumukas ang napakalaking pinto ng mansion nila. Doon lumabas ang anim na katulong kasunod ang isang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang ng Ate Maria niya. "Senyorito Terrence, welcome back!" she said at nakita ko ang pagyuko ng anim na katulong na nakatayo sa magkabilang gilid niya. I was in awe. Terrence greeted them back "Sana sinabihan mo ako ng mas maaga ng nakapaghanda naman ako dito." Rinig kong sabi niya sa kanya. "It is not necessary Ate Anna." Terrence answered "Biglaan din naman ang pagpunta ko dito, wala sa plano." He added. Napalunok ako ng mapatingin ang tinawag niyang Ate Anna sa akin "By the way, She's Znela Jimenez, please take good care of her." Hinawakan ni Terrence ang kamay ko saka inabot kay Ate Anna. She smiled at me, mukha siyang mabait. "This way Ma'am." Aniya, napatingin ako kay Terrence at tumango lang siya sa akin. Ate Anna escorted me papasok ng mansion. Halos lumuwa ang mata ko dahil sa gara nun sa loob. Very classical. Very elegant. Very peculiar. Sobrang ganda, linis at ayos ng loob ng mansion, kung gaano kaganda sa labas, mas maganda sa loob. "I was speechless ng makita ko ang bahay nila Terrence sa Manila, I think it was the most beautiful classical house I ever saw pero this house exists pala!" I commented ng makapasok na kami ng kwarto. Malawak ang kama, kasing lawak ng kama ko. It has a wooden frame na napapatungan ng puting cushion. Napangiti pa ako ng makita ang nakasabit na lace cloth na parang nagsisilbing cover ng kama. "This house was built long before I existed. Ma'am Maria and Sir Toffer spent lots of memories here, including their ancestors." Sagot sa akin ni Ate Anna. "How did you know?" I asked her. "I used to work as Ma'am Maria's personal assistant. I taught her everything para maging isang Villaflor. We spent so many years together at ng mapangasawa ko si Marcos na taga dito, I decided to spend my whole life here, with my family." Ngumiti ako "Are you Senyorito Terrence's girlfriend?" she straightforwardly asked, natahimik ako. Senyorito? "A-Ahh, no!" I answered saka umiwas ng tingin, she giggled. "Okay, pero doon na rin papunta yun di ba?" tanong pa niya, tinignan ko siya "Opps, I didn't mean anything wrong, ikaw palang kasi ang dinala ni Seryorito dito, kaya naman tuwang tuwa ang ibang kasambahay ng makita ka. Osha sige, I'll let you rest, tatawagin na lang kita kung handa na ang hapunan." Lumakad siya saka binuksan ang malaking cabinet, naglabas siya ng mga damit mula doon "Tingin ko ito ang mga kakasya sa iyo." Nilapag niya ang mga damit sa ibabaw ng kama "Doon ang CR, andun na lahat ng kailangan mo, tawagin mo lang ako kung may kailangan ka pang iba." "T-Teka, yung mga damit-" "Wag po kayong mag-alala, lahat yan bago." Sagot niya sa akin. "A-Ahh hindi yun ang ibig kong sabihin, wala kasi akong kadala dala bukod sa uniform na suot ko, hindi ko rin alam kung hanggang kailan kami magtatagal dito, kung okay lang sana na humi-" "Wala pong problema, lahat ng nasa loob ng cabinet na iyan, pwede niyong gamitin." Sagot niya saka ako nginitian "May kailangan pa ba kayo?" umiling ako at nagpasalamat sa kanya, lumabas na siya saka sinara ang pinto. Pumasok ako sa CR and had a good bath. Mainit ang tubig, ang sarap magbabad. Ang bango-bango ng shampoo at ilang sabon na andun, may nakalagay pang gatas sa bathtub. "P-Para sa akin ba ito?" tanong ko sa sarili ko "Grabe huh, hindi pa sila handa sa pagdating namin niyan ah!" bulong ko pa saka nilublob ang hubad na katawan doon sa gatas. Ilang oras ako sa loob ng CR, ang sarap sarap sa pakiramdam ng makalabas ako. I blowdried my hair saka sinuot ang damit na binigay sa akin. It was a simple dress. Parang pale red ang kulay at hanggang itaas ng tuhod ang putol, nakita ko pa ang trademark ng Villaflor sa etiketa nun. I combed my hair saka hinayaan iyong nakaladlad. Binuksan ko ang bag ko saka kinuha sa loob nun ang isang hair clip. I put it on my hair at sakto naman na may kumatok sa pinto. "Ma'am handa na po ang hapunan." Tumango ako at sumunod sa kanya. Ang taas ng hagdan, feeling ko nasa isang teleserye ako na si-net nung 1800s. Sobrang kintab din ng handrails na feeling ko hindi naaalikabokan. Malalaking paintings at grand piano ang sasalubong sa iyo sa sala nila. Ngumiti sa akin ang katulong saka nilahad ang kamay papunta sa dining area. Napakagat labi ako ng makita ko ang nakatalikod na si Terrence, nakaupo na siya at umiinom ng tubig ng nilingon niya ako. He stood up saka ako tinignang mabuti. "Did you like your room?" he asked, tumango ako. "Let's eat?" hinila niya ang isang upuan malapit sa kanya saka ako pinaupo doon. Napakahaba ng mesa, andami ring mga nakahandang pagkain at prutas. Tatlong katulong din ang nakatayo para antayin ang bawat utos ni Terrence. "To be honest, I'm speechless sa mga pinakita mo sa akin." I opened up. "I'm honored." Sagot niya sa akin na nakangiti Tinignan ko siya "Siguro lahat ng dinadala mo ditong babae mo, napapasagot mo no?" I mocked him. Ngumisi siya saka tumingin sa pagkain. "To be honest too, ikaw palang ang dinala ko dito but I would consider your other suggestion." He looked at me saka ngumiti "Sana nga mapasagot kita matapos ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD