Kabanata 22: NANG magdalawang buwan ang aking tiyan ay mas lalong naging maingat si Kevin, para bang ano mang oras ay pwede ng lumabas ang bata. Kung minsan ay natatawa ako, minsan ay hindi na nakakatuwa dahil maya-maya ay sumisilip siya sa room. Nadi-distract na ang ibang estudyante sa padaan-daan niya sa harap ng room. "Kev naman, ayos lang ako. Bumalik ka na roon sa room mo, mapapagalitan tayo ng Principal nyan sa ginagawa mo." Bahagya ko siyang tinulak paalis dahil pinagtitinginan na kami. Kahit ang ibang teacher sa ibang room ay napapalingon na. Kakasilip niya lang kanina, wala pang sampong minuto. Masiyado siyang kabado. "Oo na, sige na. Huwag kang magbubuhat ng mga libro ha? Pabuhat mo na lang sa mga estudyante mo," bilin niya mabilis akong tumango para lang umalis siya. Nak

