Warning ? Kabanata 23: Hinilot ko ang aking ulo at pasalampak na naupo sa sofa, kagagaling lang namin sa bahay nila Daryl at Sascha. I still can't believe they're married, with a twin. Mukhang masaya naman sila, sa totoo lang ay team Travis ako, ayoko kay Daryl. Hindi sila bagay pero anong magagawa ko e buhay naman nila iyon. Mahirap pigilan ang nararamdaman. "Beb, tubig?" Tumingala ako kay Kev nang maglapag siya nang tubig, siya ang nag-drive pero mas mukhang pagod pa ako. Umupo siya sa kabilang side ng sofa at kinuha ang paa ko, ngumisi ako nang simulan niyang masasahihin ang aking paa. Noon pa naman ginagawa na namin ito, kapag pagod kami. Minsan ako naman ang nagmamasahe sa kanya pero iba lang ngayon dahil alam kong ginagawa niya ito dahil buntis ako. "Ganda ng girlfriend ko,"

