Kabanata 29: "SIGURADO ka bang ayos ka lang na maiwan dito? Pwede naman ako um-absent, tatawag na lang ako sa site," nag-aalalang sabi ni Jaren na ayaw pang-umalis kahit bitbit na ang bag. Mabilis akong umiling, kasalukuyan kong pinapa-dede ang aking anak. Si Kian, masyado siyang maliit para sa isang taon na bata. "Ayos lang ako, Jaren. Sige na umalis ka na." Ngumiti pa ako sa kanya, para hindi siya mag-alala dahil ayaw niya akong iwan. Sinabi ko naman na sasamahan ako ni Rosa mamaya kaya ayos lang. Tumango siya saka naglapag ng limang daan sa lamesa. "Mag-iiwan ako ng pera, magpabili ka na lang kay Rosa mamaya kung may kailangan ka ha?" sabi niya bago umalis. Napailing ako bago bumaba ang tingin sa gwapo kong anak. Ang puti niya, pareho kaming kayumanggi ni Jaren kaya hindi ko alam

