Kabanata 25: "NABUNTIS lang iyan ng kaibigan niya, friends with benefits sila. Teacher iyan sa high school, nakakahiya hindi ba? Nagtuturo pa naman siya tapos sarili niya hindi niya maturuan kung anong tama." "Ang balita e 'yong nakabuntis dyan may long term na kasintahan, sinulot niya ata. Syempre, buka kaagad. Ano pa bang aasahan mo sa mga lalaki edi nagpatukso sa kanya." "Hay, kaya ayoko na roon pag-aralin ang anak ko. Ganyan pala mga teacher doon." Bumaba ang tingin ko sa tiyan kong may umbok na, apat na buwan na. Kumalat na ang balita at kahit anong paliwanag namin sa iba na may relasyon na kami ni Kevin, ay may masasabi pa rin sila. Kesyo makati, haliparot at kung ano pa. Hindi ko sila masisisi, nakilala nila kami bilang magkaibigan tapos biglang buntis na. Nakakapagod na rin

