CHAPTER ONE
Pag-ibig ka ba talaga?
Mahahawakan ko na sana ang mga malalambot mong kamay at maririnig ko na rin ang napakaganda mong boses in live action kaso kanina pa may kumukurot sa’kin para makaalis sa panaginip kong sobrang nakakakilig.
Lunes na naman at kailangan ko na namang buhatin ang sarili kong katawan mula sa pagkatulog ng mahimbing. Nararamdaman ko na ang init ng araw mula sa bintana kasabay ng maingay na paggising sa'kin ng aking ina na tila binusog na naman ako sa kurot sa umaga, magising lang ang aking diwa.
Kinusot ko ang aking mata, nag-unat at napangiti. Parang pakiramdam ko ang bagal pa rin ng oras at kaharap ko pa rin siya tulad ng nasa panaginip—kaharap ko pa rin ang mukha niyang may mga mapupungay na mata, mapupulang labi na tila parang pelikula kung saan magkakaroon na sana ng happy ending. Kung pwede lang sana matulog muli para matuloy ko ang panaginip ko kaso baka sugurin na ako ni inay at kurutin na naman.
Bumabagsak pa rin ang aking nga mata pero kailangan ko nang maligo at baka mahuli pa ako sa klase. Shemay, naalala ko parin 'yung ngiti niya!
Habang naliligo, humiling ako na sana magkita kami muli kahit sa maikling panahon lang, kasi lagi namang walang nangyayari sa mga bagay na nais kong makuha. Sabi nila ang isipan ko raw ay ang mga bagay na may kabuluhan, kaso hindi talaga nila ako intindihin. Kagabi paulit-ulit ko rin ko rin naman pinapanuod 'yung episode kung saan sinagip niya si Keeva sa mga holdapers o r****t sa playground. Minsan nga nag seselos ako sa kanya na nagkakameron ng panahon na iniisip ko kung ako ang kasama ni Aithan at hindi ang weird na babaeng 'yun at baka ako pa mismo ang magluto sa kanya ng lahat ng paborito niyang pagkain.
Kaso sa kinatagal kong kakaisip dito ay paglabas ko ng banyo nakita ko kaagad ang mukha ni inay na puno ng galit sa mundo at papalapit sa akin. Akala ko ihahampas niya sa akin ang dala niyang tambo pero sinita niya lang ako sa tagal ko sa loob ng banyo.
“Ano, Dina, inuubos mo ba ang tubig natin?”
“Grabe naman inay, thirty minutes lang naman akong naligo. Ano gusto niyo one, two, three ang pagligo ng magandang babae niyong anak?”
“Ang dami mong sinasabi, mag ayos ka na nga! May pagtili-tili ka pa ng Aithan kanina.”
“Oo na!” sambit ko bago kumaripas ako papuntang kwarto para mag bihis.