Chapter 3

944 Words
Chapter 3 Eunice's PoV "Eunice kanina pa po kita kinakausap. What's the matter? Bakit parang puyat na puyat ka yata?" Sabi ni Anj habang kumakaway-kaway sa tapat ng mukha ko. "Ahh.. sorry may iniisip lang ako." Lutang kong sabi. Patuloy ko parin kasing naiisip iyong nangyari kagabi. "Wag mong kalimutan.  Mamaya ha? Diba wala ka ng problema may ticket ka na. Wag mong sabihing nawala mo? Naku. Patay talaga kung nagkataon!" Bagabag na wika nya. Maybe she thought ganun yong nangyari dahil sa panananimik ko. "Hindi ko nawala don't worry. May iku-kwento ko sayo. May nangyari kasi kagabi." I decided na ikwento na sakanya. "Anong nangyari?" Nagpalumbaba sya sa at halatang kyuryoso. Kinwento ko sa lahat ng nangyari kagabi. lahat ng ginawa ko pati yung pagyakap ko kay Paolo. Hindi niya naman mapigilang mapatili. Tumilui siya ng pagkalakas-lakas. Para syang inasinan na bulate. Naitapon niya pa lahat ng nakapatong sa desk niya. "Talaga Nangyari yon? Buti pa ikaw!  Ako kailan ko kaya magagawa yun. Kahit labag sakanya atleast nayakap mo parin siya, kung ako din siguro ganun din ang gagawin ko," Wika nya. "Ssshh.." I warned her. Masyado na kasi syang maingay. Pinagtitigan na kasi kami ng mga kaklase namin dahil dito kay Angela. "Huwag  masyadong malakas Anj. tignan mo mga mata ng mga kaklase natin? Ang sama na ng tingin nila." Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng kaklase naming nakatingin sa amin. "Ano kaba, hayaan mo sila," kibit balikat nya. "Hoy kayong dalawang panget? Pwede ba huwag kayong maingay nakakairita na kayo kanina pa kayo!" At ayun na nga, nairita na ang pinaka-attitude naming kaklse. "Ano naman sayo?" Matapang na sagot ni Angela. Inawat ko kaagad tong kaibigan ko alam ko kasing may pag ka war-freak to. "Pabayaan mo nalang," bulong ko. "Anong pabayaan nalang Eunice? Kita munang nilalait lait na tayo tapos papabayaan lang? Mukahang hindi talaga nagustuhan ni Angela ang pagtawag nya sa aming pangit. "So well... Pinag-uusapan nyo na naman ang D4 tama ba 'ko? Pwede ba tigilan niyo na ang pagkakandarapa niyo sakanila. Asa naman kayo na mapapansin kayo ng mga yun? Eh ang papangit ninyo?" Nanlumo  ako doon sa sinabi Jane. Kailangan ba talagang ipagduldulan? Despite of that I remained calm. Pero itong si Anj umuusok na sa galit. "Ang kapal mo naman?" Singhal nya. Pasugod na sana si Angela dito kay Jane na akmang sasampalin na niya ito,pero agad ko itong pinigilan. "Oh ano?" Hamon nya. "Ang sama talaga ng ugali mo. Akala mo ba ikaw papansinin nila?" Ani Angela. "Yes.Mas bagay sila sa'kin." Mahangin nyang sinabi. What? Iba rin talaga ang confidence nya e fangirl din naman sya? Nagsisigawan na ang mga kaklase namin dahil sa eksenang nagaganap. Humalakhak si Anj "Ikaw nakita mo na ba sila face to face? At nayakap mo na ba sila? Kung makapagsalita ka,eh hanggang pangarap ka lang din naman."  "Mangyayari din yun Angela." Confident nyang sinabi. "Wala ka pala eh, si Eunice nayakap niya na ang leader nila na si Paolo." Nanlaki ang aking mga mata? Bakit nya sinabi iyon? Alam kong hindi sila maniniwala. Tumahimik ng saglit ang paligid pagkatapos humagalpak ng tawa ang nakakarami. "Mukhang nanaginip pa kayo.. Nanaginip ng gising! Sa tingin mo ba? Magagawang yakapin ni Paolo yang kaibigan mo? Ilusyonada." Sinasabi ko na nga ba. Walang maniniwala. Pagkatapos ng eksenang iyon dinanggil ako ni Jane at patuloy parin sa pagtawa. Tawang kaka-asaran mo talaga. Dumating na ang Physics teacher namin. Nag-discuss  siya about Interference, Polarization at kung ano-ano pa. I tried na makinig subalit walang pumapasok sa utak ko sa kadahilanang naeexcite ako para mamaya. Angela poked me. "Si Ma'am tawag ka." Bumalik ako sa ulirat at nagmamadali kong binalik ang atensyon ko sa guro namin. "Ms. Mendez, Can you explain to us what is Interference?" She said. Namutla ako pagkatanong sakin ni Miss Gulla. "Ms Mendez Are you with us?" Aniya. "Sorry Ma'am I dont know the answer." I honestly said that kasi nga hindi ko naman talaga alam. "Ms Mendez pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod na magiging ganyan ka ulit, hindi ako mag aatubiling , isumbong ka sa Principal. Scholar ka pa naman." Babala nya. Napasinghap ako at tinuon muli ang atensyon. Tama si Ma'am. "Sorry Ma'am." I muttered. --- Natapos narin sa wakas ang klase kaya nanumbalik na ulit ang pagka-excite ko. Nagkayayaan na kami ni Anj. At sabay na kaming nagtungo sa stadium kung saan mag co-concert ang Dynamic4. Nabuhayan ang dugo ko nang makarating na kami. This is it. I promised that I will enjoy the moment. Ano-ano kaya mga sasayawin at kakantahin nila? Tanong ko sa isip ko.  "Grabe ang crowd." Manghang wika ni Anj. Tinignan ko ang paligid. Napakarami nga. At lahat ng mga fans bakas sakanila ang labis na tuwa at excitement. Pumila na kami para makapasok na kami sa loob.  Sa sobrang daming tao, hindi maiwasan ang pagsisiksikan, at meron ding mga nagtatangkang mandaya at makipag unahan sa pila. syempre di namin sula panapayagan kaya nagkakabanggaan minsan. "Ouch.." sabi nang  isang nasa likod ko, napasandal kasi ako sakanya dahil may nakikipag unahan na naman, Grabe naman kung maka OUCH akala mo nasaktan talaga ng bongga. "Oy dalawang panget! yung mga panget dapat nasa likod." What the hell? Even here may bully-hang  paring nagaganap? Grow up bitches...sabi ko sa isipan ko. "Pigilan mo ‘ko bestfriend pepektusan ko sa fallopian tube tong babaeng to," pabulong na sabi ni Angela pero bakas parin ang pagka-irita. "Teka kakausapin ko.." "Huh? Bakit naman? Hinarapan ko sila. "Eh kasi nakakadiri kayo. Kaya dapat sa likod nalang kayo." I wanna punch this mean girl. Grabe sya man-discriminate. "Teka lang ha? bakit niyo naman kami pinapaalis? pwede fair naman kayo. pare parehas naman tayong nagbayad ah?" Sabi ni Angela. "Wala kaming pakialam kung nagbayad man kayo." Bully talaga. "Basta shoo! sa likod kayo." "OO NGA!" nag agree naman ang iba. Bakit kaya ang daming mean na fans? Nagsimula na nila kaming itulak-tulak. In the end wala kaming nagawa ng kaibigan ko, pumunta nalang kami sa bandang hulihan.  *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD