Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng mahimbing pagkatapos ng mga nangyari sa ‘kin. Tanghali na kasi nang magising ako, at unang bumati sa ‘kin ang pag-ikot at pagkulo ng sikmura ko. Sumugod ako sa banyo at isinuka lahat ng nainom na alak. Ngunit dahil walang ibang laman ang tyan, pakiramdam ko’y hinahalukay ito. Latang-lata ako pagbalik sa kwarto. Naupo ako sa kama at hinayaan muna ang sarili mahimasmasan. Nang balikan ang nangyari kagabi, mula sa galit ay napalitan ng hiya ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa paligid ng kwarto at ‘di na naman nakita si Zavier. Napilitan akong tumayo at sumilip sa sala. Inasahan kong makikita siyang nakahiga sa sofa pero mukhang walang ibang tao sa hotel room bukod sa ‘kin. Napatingin ako sa lamesa at nakakita ng nakatakip na pagkain. Mukhang iniwan

