Paghinto ng kotse sa harap ng bookstore, nagmadali akong bumaba. Hindi ko na hinintay pa si Zavier dahil gusto kong mapag-isa. Gusto kong pag-isipan ng mabuti lahat ng nangyari. Pagdating sa harap ng pinto ng bookstore, kinuha ko agad mula sa bag ko ang susi. Nang mahawakan ko ito, akala ko’y wala nang magiging problema. Ayon lang ay bukod sa nanghihina ang mga binti ko, nanginginig din ang mga kamay ko. Nahirapan akong isuot sa butas ng doorknob ang susi! “Umayos ka, Maya,” sabi ko, animo matutulungan ako ng pagkausap sa sarili. Gusto kong makapasok kaagad sa loob ng bookstore para maiwasan muna si Zavier. Kaya lang, sa paglipas ng bawat segundo, mas lalong bumibilis at lumalakas ang t***k ng puso ko. Mas lalong hindi ko maasinta ng tama ang butas! Natigilan na lang ako nang may kamay

