Chapter 53 (Part 1)

2346 Words

Matagal ko nang alam na si Pietro ang mastermind sa nangyaring Marasubwa m******e. Bukod sa nakita at narinig ko ang utos niya noon, mas napatunayan ko pa ito noong tinangka niyang ibato ang sisi kay Zavier. Ang palaisipan lang talaga sa akin ay kung ano talaga ang kinalaman ni Zavier sa mga Marasubwa – anong kinalaman niya sa mga nangyari sa ‘kin, kina Camila, at kapatid nitong imbestigador? Kung sasabihin niyang wala ay sigurado akong nagsisinungaling siya. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling nagsalita, “Ang totoo… nakausap ko si Camila noong gabi bago siya naaksidente,” pag-amin ko kay Zavier. Nagdesisyon kaming maupo sa sofa ng bookstore bago pinagpatuloy ang pag-uusap. Pagsulyap ko sa kanya, nakita ko ang magkasalubong niyang kilay habang nakatingin siya sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD