Kung panaginip na naman ‘to, pwede bang hindi na ‘ko magising pa? Maaga akong bumangon ngayong araw. Katulad ng simpleng pamumuhay na nakagawian ng mga Marasubwa – nasaksihan ko ang pag-alis ng mga kalalakihan sa kani-kanilang bahay-bangka upang mangisda o sumisid sa dagat, samantalang ang mga kababaihan naman ay nagsimula nang manahi at gumawa ng mga palamuti galing sa yamang dagat. Dahil walang pagkakataong mabigyan ng tamang edukasyon, ang mga kabataan naman ay makikitang masayang tumutulong sa mga gawaing bahay. Lumapit ako sa nanay ko para tulungan siya sa pananahi. Pero parang wala siyang narinig. Nagdesisyon na lang tuloy akong lumabas kung saan nakita ko ang tatay kong kakaahon lang sa pagsisid. Tinawag ko siya at kinawayan pero hindi man lang niya ‘ko nilingon. Dahil maaga pa p

