Chapter 35 (Part 1)

2236 Words

Gising na ang diwa ko pero ayaw ko pang buksan ang mga mata ko. Gusto ko pa kasing matulog dahil ramdam ko ang pagod ng katawn. Tuloy ay babangon na sana ako pero nakaidlip pa ‘ko ulit. Hindi ko alam kung anong oras na nang gumising ako sa ikalawang pagkakataon. Basta pagbangon ko, namangha ako nang makita ang magandang tanawin sa malaking bintana. Nagtataasan ang mga puno sa paligid pero tanaw na tanaw ang malawak na dagat at bawat paghampas ng alon nito. Maliwanag na sa labas pero hindi direktang pumapasok ang sikat ng araw sa kwarto. Kaya imbes na tumayo agad, iniyakap ko sa katawan ang kumot sa kama at sinamantala ang kapayapaang dala ng tanawing ito. Naalala ko ang simpleng buhay namin noon sa isla. Maghapon kong nakikita ang ganitong tanawin. Tuwang-tuwa pa kami ni Andeng sa pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD