I want fun. Nagmistulang go signal ang sinabi ko kay Zavier. Wala siyang sinayang na segundo nang siilin ako ng halik sa labi. Napapikit ako. Halos matunaw ang kanyang labi sa ibabaw ng akin sa sobrang lambot nito. Hindi niya alintana kahit nakagawa na naman ako ng ingay dahil sa piano keys na inuupuan ko. Muling bumagal ang oras, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Katulad ng dati ay nagsimula si Zavier sa banayad na paghalik at nagawa kong suklian ito. Naglakbay ang mga kamay niya sa kurba ng katawan ko. Pero parang hindi makapaghintay, mabilis siyang nagalab. Umawang ang labi ko at lalo niya itong sinunggaban. Napahawak tuloy ako sa piano keys para ibalanse ang sarili sa pagkakaupo rito. Muli itong gumawa ng ingay kaya napapikit ako ng mariin sa hiya. Para pagtakpan ang pagkakamali

