Chapter 33 (Part 2)

2200 Words

Gusto kong matulog pero hindi ko magawa. Gising na gising kasi ang diwa ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama, ramdam ang mabilis na kabog ng dibdib ko. At dahil alam kong nakakakalma ang dagat, sinubukan kong tumingin sa salaming bintana. Ngunit napagtanto kong habang tumatagal, tila nagiging nakakatakot para sa akin ang itsura ng dagat sa gabi. Pumikit naman ako ulit. Sinubukan kong hindi kumilos at nagsimulang magbilang ng tupa. Ayon lang ay natigilan ako nang makarinig ng musika na tinutugtog mula sa piano. Hindi ko alam kung anong musika ito pero mabagal at malungkot ang dating para sa ‘kin. Noong una inisip kong baka gawa-gawa lang ito ng imahinasyon ko dahil marami ngang tumatakbo sa isip ko. Pero nang magtagal, napagtanto kong totoo ito. May musika nga talaga akong naririnig sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD