Oo’t nakahanda akong mamatay kasama si Zavier. Noon ko pa tanggap na kakambal ng pagpasok ko sa mundo niya ay kamatayan. Ngunit ang hiling ko lang ngayon, sana ay hindi ako kamuhian ni Zavier sa naging desisyon ko. Kung siya pa rin ang Zavier na kilala ko, mauunawaan niya ang totoong intensyon ko. Pero kung talagang nagbago siya… Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kakaumpisa pa lang ng plano ko, pero parang malaking parte ng puso ko ang nawala. Naalala ko ang reaksyon ni Zavier noong narinig niya ang pagpindot ko sa gatilyo ng baril… “You’ve got that look again. What’s on your mind?” pang-uusisa ni Pietro, muntik ko nang makalimutang kasama ko siya sa lamesa sa mga oras na ‘to. Nasa dining room kami ng kanyang bahay. Pagkauwi, pinagpahinga niya ako ng ilang oras bago mul

