Napalunok ako, nakapako ang mga mata sa tattoo machine na hawak ng isa sa dalawang lalaking kasama ko sa madilim na kwarto. Umiling ako nang umiling paghakbang nito palapit sa ‘kin. Ramdam ko ang mabilis na paghinga ko dahil sa takot – takot dahil alam kong masakit ang prosesong nag-aabang sa ‘kin; takot dahil alam ko ang importansya ng tattoo sa mafia. Kapag nagkaroon ako ng tattoo ng Red Hand Society, halos imposible nang makabalik ako sa Eagle’s Claw Empire – kay Zavier. Tuluyan na ‘kong magiging pagmamay-ari ni Pietro. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil ito pa talaga ang bagay na nakalimutan kong pag-isipan sa plano ko. Upang makuha ang tiwala ni Pietro, ito ang pinakamatibay na paraan. Dahil anuman ang intensyon ko, habambuhay akong matatatali sa kanya oras na magkaroon ng

