Ano bang akala mo, Maymay? Ikaw lang ang babae sa buhay ni Zavier? Kaninang umaga, nakilala ko ang kapatid ni Zavier na si Sera. Ngayong gabi, may panibagong babae na namang pumasok sa eksena. At sigurado akong hindi sila magkadugo base sa lagkit ng tingin nung babae sa kanya. “I’m here to discuss our new partnership,” pormal na saad ni Zavier kaya naunawaan kong may kinalaman sa trabaho niya ang babaeng ‘to. Nakatayo na ako ng maayos sa tabi niya, napansin ko ang pagtingin niya sa ‘kin. “Let’s go to our table,” sabi pa niya bago bahagyang itinaas ang kanyang braso sa harapan ko. Hahawakan ko naman na sana ito dahil ang bilin ni Zavier, sa tabi lang niya ‘ko. Kaya lang hindi ko inasahan ang biglang pagbangga sa ‘kin nung babae. Kaya tuloy siya ang kumapit sa braso ni Zavier at pinanuo

