Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ni Zavier sa malaking salamin sa harapan ko. Pagkatapos kumain ay dumiretso na agad kami sa salon. Ngayon ay nakaupo siya sa bandang likuran ko. Abala siya sa kanyang tablet habang kung anu-anong gamot ang nilalagay sa buhok ko para raw dumiretso. Katulad ng ibang pinuntahan namin ay wala ring ibang tao rito sa salon bukod sa amin at sa ilang empleyado. Samantalang sa labas piniling maghintay nina Eddie at Wowee. Nagpaalam sandali ‘yong babaeng nag-aayos ng buhok ko nang mag-angat ng tingin si Zavier. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin bago pa niya mahuli. Baka mamaya kasi ay mapagsabihan na naman ako— “What else do you want to know?” Narinig ko ang malalim at malamig niyang boses. Pinagdikit ko ang labi ko. Mukhang naki

