Gutom na nga ako at naiinitan ng sobra, nalagay pa sa panganib ang buhay ko! Mukhang hanggang dito ba naman sa panibagong mundong pinasok ko’y nadala ko ang kamalasan ko. Ngayon ko lang nakita ang babaeng kaharap ko. Kaya hindi ko alam kung anong atraso ko sa kanya at tinututukan niya ‘ko ng baril ngayon. Tagaktak ang pawis ko nang tumayo— napaatras nang humakbang pa siya papalapit sa ‘kin. “So, you're the fortunate little slut he decided to rescue from the garbage dump,” nanunuyang saad niya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay. Katulad ni Zavier ay magaling din siyang mag-Ingles. Mabilis nga lang siyang magsalita kaya hindi ko masyadong naunawaan lahat ng binigkas niya. Basta ang alam ko, panlalait ang sinabi niya. Imbes na mainis, mas important

