Imposible namang nagpunta si Zavier sa tindahan ng mga damit dahil lang sa text ko. Hindi ako ganuon kaespesyal para gawin niya ‘yon— “Keep your eyes to yourself.” Agad akong tumingin sa bintana malapit sa pwesto ko. Kunwari’y may pinunasan dito kahit mas malinaw pa ito sa kinabukasan ko. Sabi ko nga dito na lang ako titingin imbes na kay Zavier. Nakasakay na kami ng kotse ngayon. Pagkagaling sa tindahan ng mga damit ay papunta naman kami sa salon. Abala siya sa pagpindot sa hawak na tablet at nakasuot ng itim na shades. Kaya hindi ko inakalang mapapansin pa niya ang pagsulyap-sulyap ko sa kanya. Ganito ba kapag mafia boss? Malakas ang pakiramdam. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa ‘kin. Katulad ng dati ay malamig at seryoso pa rin siya. Hindi ko nga lang maintindihan kung

