Nagtiim-bagang ako nang maramdaman ang panganib. Bago makalayo, agad kong kinuha ang baril na itinago ko sa hita ko at walang kurap na itinutok sa tagiliran ng driver. Nanigas siya sa driver’s seat; humigpit ang hawak sa manibela. Hindi siya nakakilos nang tanggalin ko ang mask niya gamit ang malayang kamay ko. Napasinghap ako nang makita ang minsang kinilalang kaibigan. “Baste?!” Si Baste ay si Sebastian, ‘yung businessman na nakilala ko sa Zamaré Grand Towers dahil sa ilang beses na pagtatagpo ng landas namin. Tanda kong ilang araw siyang naka-check in noon para samahan ang pamilya niya sa holidays. At sa mga araw na iyon, may ilang pagkakataong nagkasabay kaming kumain o mag-gym. “Anong ginagawa mo rito?” hindi makapaniwalang tanong ko. Ang alam ko kasi ay sa probinsya siya nakatir

