"Do you have a close relationship with Echo?" tanong ni Zavier out of the blue pagpasok namin sa boxing ring. Gusto niyang subukan ngayon ang boxing skills ko kaya ito agad ang activity namin pagdating sa abandunadong gusali kung saan kami nag training ng paggamit ng baril. “Hindi naman. Isang beses pa lang kaming nagkita at nagkausap. Pangalawa lang ‘yung kanina. May problema ka ba sa kanya?” tanong ko tuloy dahil baka wala pala siyang tiwala rito. Pagkatapos ng nangyari kina Zoe at Abi, parang nakakatakot nang magtiwala kahit miyembro pa ng organisasyon. Naghintay ako ng sagot pero natahimik na si Zavier. Katulad ng sinabi niya, siya mismo ang magte-train sa ‘kin ngayong araw. Nagtataka nga ako kung bakit parang marami siyang oras para sa ‘kin ngayon. Gayong dati ay kahit matingnan la

