Napaatras ako bago pa magbukas ang pinto. Tumakbo ako sa sala at awtomatikong napatago sa likod ng sofa. Inisip kong si Zavier o 'di kaya tauhan ng hotel ang makikita dahil sila lang naman ang posibleng magkaroon ng access sa penthouse na ito. Ngunit mukhang nagkamali ako ng hula. "Doon kayo magsimula. Sa kwarto ako." Nanlamig ang buong katawan ko nang makarinig ng malalim na boses ng lalaki. Sinubukan kong sumilip pero agad din akong napabalik sa pinagtataguan ko. Tinakpan ko ang bibig ko nang mapagtantong masyadong malakas ang paghinga ko kumpara sa katahimikan ng paligid. Kung tama ako ng nakita, may tatlong lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan na nakabihis ng hotel uniform sa penthouse. Pero ang nakapagtataka, hindi sila mukhang hotel staff kung umasta. Naalala ko aga

