Maagang umalis ng penthouse si Zavier. Kahit gising na ako, inintay ko talaga ang pagbangon niya ng kama hanggang paglabas ng pinto ng penthouse. Nang masigurado kong mag-isa na lang ako sa kwarto ay tsaka ako nagmadaling tumayo. Nagpunta ako sa computer table at dito binuksan ang drawer kung saan ko huling nakita ang flashdrive ni Camila. Malakas ang kabog ng dibdib, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makitang wala na nga ‘yong flashdrive. Inilabas ko pa lahat ng mga gamit dito para makasigurado pero wala talaga. Mukhang tama ang kutob ko. Flashdrive ni Camila ang puntirya ng mga lalaking nagpunta rito kagabi. Kaya halos baliktarin nila ang penthouse. Ano kaya ang balak nilang gawin dito? Tsaka paano ba nila nalamang nasa akin ito? Ang alam ko’y gising na si Camila… hindi k

