Nagising ako mula sa bangungot. Nasa gubat ako, tumatakbo dahil sa pagkalat ng apoy. Sunod-sunod din ang tunog ng baril na hindi ko alam kung saang direksyon galing. Ang alam ko lang ay kailangan kong makatakas. Pilit kong ipinikit ang mga mata ko, nagtakip ng tainga, at sumigaw ng tulong. Pero imposible. Tila wala akong kontrol sa sariling katawan. Akala ko mamamatay na ‘ko nang magawa kong imulat ang mga mata ko sa wakas! Naghahabol ng hininga, mabilis kong sinuyod ng tingin ang paligid. Kumurap ako nang ilang beses bago unti-unting kumalma nang mapagtanto na nasa condo unit na talaga ako. Hindi ito parte ng panaginip. Sinubukan kong bumangon at dito binati ng matinding sakit ng katawan. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil sa gumuhit na kirot sa tyan at braso ko. Ngayon ko mas naramdama

