“Ma’am, baka malintikan ako nito…” Napakamot sa ulo si Wowee paghinto namin sa harap ng Chinese restaurant na pagmamay-ari ni Li Wei. Si Zavier daw mismo ang nagpa-organize ng birthday party ni Elena. Hindi ko alam ang dahilan pero hindi ako masaya tungkol dito. I can’t believe that woman is still using my sister’s identity to get what she wants. Pababa na sana ako ng kotse nang maalala ko ang isa sa mga sinabi ni Wowee kanina. “Alam niyo ang nangyari sa ‘kin sa Red Hand Society?” tanong ko. Sa rearview mirror, kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Wowee, parang takot dahil nabisto. “Bakit mo nasabing masokista ako? Ano bang alam niyo?” pag-uulit ko pa dahil mukhang wala siyang balak magsalita. May kutob akong si Li Wei ang nagbahagi ng impormasyon kay Zavier dahil ito ang nakita ko

