Inuubos ng Red Hand Society ang mga Marasubwa. Limang taon ang pagitan ng bawat Marasubwa m******e. May isinasagawang ritwal pero sinu-sino ang kasali… and what is their desired outcome? Binabagabag ako ng mga katanungang ito. Kaya kahit ilang oras akong pumikit at magbilang ng tupa, kahit ramdam ng katawan ko ang matinding pagod, hindi ako makatulog. Nagdesisyon akong bumangon at dito naglibot sa kwarto. Pasimple kong ininspeksyon ang bawat sulok at bukod sa mga camera, wala naman na ‘kong nakitang dapat kong ikabahala. Ayon nga lang, dahil nasa poder ako ni Pietro, kahit gaano pa kaganda ang kwartong ibinigay niya sa ‘kin ay mistula pa rin itong preso. Nagpunta ako sa harap ng bintana katabi ng kama. Bahagya kong hinawi ang kulay itim na kurtina at sumilip sa labas. Papasikat

