“You look beautiful today,” puri ni Pietro sa ‘kin na halos ikairap ko na naman. Pilit pinipigilan ang reaksyon, umayos ako ng upo tsaka nag-iwas ng tingin mula sa malagkit niyang titig. Anong akala niya, mauuto niya ‘’ko sa ganyan? Walang bago sa itsura ko—nakaayos pa rin ako gaya ng nakasanayan ko noong nasa poder ako ni Zavier. Akala niya siguro, nag-ayos ako para sa kanya. Pero hindi. Ginawa ko ‘to para sa sarili ko. Para maging presentable, para hindi makita ng iba ang takot at kaba na pilit kong itinatago. “Thanks,” sagot ko nang matabang, hindi man lang sinabayan ng ngiti. “You look better yourself,” sabi ko na lang din bilang pakunswelo. May pagkasarkastiko ito pero mukhang hindi niya nahalata—o baka pinili niyang magbulag-bulagan—dahil lalo pa siyang ngumiti. “So, tell me,” dug

