Imbes na dumiretso sa Zamaré Grand Towers, pagkagaling sa mall ay nag-taxi ako papuntang Sampaguita street dahil malapit lang ako rito. Medyo matagal na rin kasi noong huling beses akong nagpunta sa Mariposa District. Kaya naman ngayong may pagkakataon at mag-isa ako, wala naman sigurong masama kung dadaan ako para makita ang mga pagbabago rito. Sinimulan kong maglakad sa umpisa ng ruta namin noon kapag nanlilimos. Pansin kong maraming tao rito ngayon dahil nga magpapasko. Kaya nga kapag ganitong panahon, masayang-masaya kami dahil marami kaming pwedeng paglimusan. Halos hindi nauubos ang tao sa Mariposa District. Kung hindi pa kami habulin ng mga awtoridad ay hindi kami uuwi. Inilibot ko ang mga mata sa paligid habang naglalakad. Wala namang masyadong nagbago. Nadaanan ko pa rin ‘yong

