“Hanggang anong oras ka ba rito, Ms. Maya? Susunduin ka na namin,” sabi ni Wowee pagbaba ko ng kotse. Tumingin ako sa paligid at napagtantong gabi na pala. Tila mabilis dumilim ngayon. Tipid akong ngumiti sabay iling. “Hindi na kailangan. Kaya ko naman nang umuwi mag-isa,” balik ko dahil ilang beses ko na rin naman itong nagawa sa mga nakalipas na araw. Mas pamilyar na ako sa paligid ngayon. Dati kasi sa Mariposa lang umiikot ang mundo ko. “Pwede rin naman naming dalhin dito ang motor mo,” suhestyon pa niya. “Baka uminom ako. Hindi rin ako makakapagmaneho,” pagtanggi ko pa rin. Tinuruan nila ako ni Eddie magmaneho ng motor at kotse. Bumili ako ng motor noong nakaraang Linggo pagkatapos matanggap ang lisensya ko. “Tsaka hindi ba’t ngayon ang uwi niyo sa probinsya? Okay na ‘ko rito. G

