Chapter 24

3197 Words

Nagmadali ako pabalik sa loob ng kwarto. Pagsarado ng pinto, huminga ako ng malalim pero mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Natandaan ko ang utos ni Zavier – kahit anong marinig ko, ‘wag akong lalabas. Dahil sa nakita ko ngayon lang sa labas ng bahay niya, mas naintindihan ko na kung bakit ito ang kanyang bilin. Alam kong gusto akong protektahan ni Zavier sa kabila ng pagsama ko sa madilim niyang mundo. Marahil dahil ito ang kanyang ipinangako sa akin – proteksyon. Ngunit hanggang kailan? Hindi ba niya naisip na kung magiging parte ako ng grupo nila, kailangan ay magkaroon ako ng ideya tungkol sa ganitong bagay? Tuloy ay mas tumindi ang kagustuhan kong malaman kung sino ‘yong lalaking nakasako ang ulo. Bakit siya dinakip ng mga tauhan ni Zavier, at anong balak nilang gawin dit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD