Chapter 23 (Part 2)

2296 Words

Ramdam ko ang mabigat na paghinga ni Zavier sa likuran ko habang nakayakap sa akin. Panay naman ang pagsinghot ko habang kinakalma ang sarili galing iyak. Matagal na rin mula noong huling beses akong umiyak ng ganito kaya naman hirap akong patahanin ang sarili. At mukhang hindi rin alam ni Zavier ang dapat sabihin para tulungan ako kaya pareho kaming natahimik ngayon. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako umayos ng upo. Natauhan ako at bumalik ang hiya kay Zavier kaya kumalas ako sa yakap niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Baka ikaw naman ang magkasakit. Okay na ‘ko. Sige na. Iwan mo na ‘ko rito.” Alam ko kasing hirap na rin siya sa pwesto niya. Masyadong maliit ang bathtub para sa aming dalawa. Hindi naman kumilos si Zavier. Hindi ko alam kung nakatulog na ba siya kaya sinubuk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD