Chapter 45 (Part 1)

2319 Words

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa Mariposa District. Nakahawak pa rin ako sa braso ni Zavier; nakaalalay siya ng mabuti dahil baka bigla na lang akong mawalan ng balanse. Sa totoo lang, malaking tulong ang paglalakad namin ngayon. Mas umayos ang pakiramdam ko kumpara nung nakahiga lang ako maghapon sa bahay niya. “Kaya mo pang maglakad?” paniniguro ni Zavier; mukhang napansin ang katahimikan ko. Tumango naman ako; nagpipigil pa rin ng ngiti; at panay ang lihim na pagsulyap sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko siyang maglakad sa dati naming ruta ng mga kasama kong pulubi. Masama ako pero may kirot sa tuwing naiisip ko sila. “Uy guys, artista ba siya? Mukhang pang Hollywood ang datingan!” “Oo nga! Ang pogi! Captain America ng Pinas!” “Grabe, akala ko mamayang gabi pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD