Hindi na ‘ko si Maymay. Ako si Maya Estrella dela Rosa, fiancé ng mayamang negosyanteng si Zavier Marcello Santiesteban. Miyembro ako ng mafia group na Eagle’s Claw Empire at ngayon ay may pagmamay-aring bookstore sa Dalencia Heights. Hindi ko dapat sirain ang pangalan ni Zavier. Kaya kailangan kong ayusin ang sarili ko para maging karapat-dapat sa isang tulad niya. Kailangan kong maging malakas at respetado. Kaya naman simula ngayon, balak kong mas seryosohin lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Gagawin ko ito para manatili sa kanyang tabi kahit anong mangyari. Handa akong kalimutan ang mapait kong nakaraan at lahat ng mga nakabitin kong tanong para sa kanya. Susubukan kong tanggapin ang panibagong buhay na ipinagkaloob niya sa ‘kin. Bagong taon, bagong buhay. Ang sabi sa ‘kin ni Zav

