Chapter 46 (Part 1)

2009 Words

“That’s all for this morning. We'll continue after lunch,” pagtatapos ni Echo sa discussion, at dito nagsitayuan ang lahat. Nakakatuwa naman palang mag training sa Vault. Talagang nakikinig ang mga miyembrong kabilang dito. Hindi tulad sa Forge na may panahon pang mag tsismisan, tahimik sa klaseng ito. Marami rin akong natutunan kahit mas pinapagana sa training na ‘to ang utak at wala pa akong masyadong alam. Katulad ng iba, tumayo na rin ako at naglakad palapit kay Echo. “Salamat sa pag-aya sa ‘kin makisali sa training niyo,” sabi ko sa kanya. Nagkaroon ng saysay ang pagpunta ko sa headquarters kahit papaano dahil dito. “Maliit na bagay. Pwede ka namang makisali sa training namin kahit kailan mo gusto. Akong bahala sa ‘yo,” casual niyang balik sabay hawak sa ibabaw ng ulo ko at gulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD