Kaming dalawa na lang ni Zavier ang naiwan sa kwarto. Sandali kaming binalot ng katahimikan bago siya tumikhim, umatras ng isa, at tumayo ng maayos sa harapan ko. Napatingin siya sa kisame at yumuko naman ako dahil sa pagkailang. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang Hidden Claws at cellphone ko sa sahig. Parang akong pinasok sa freezer dahil sa biglang panlalamig ng buong katawan ko. Mabilis kong pinulot ang dalawa at itinago sa likuran ko; kunwari’y walang nangyari. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa confidential document na pinakielaman ko! Kailangan ko itong maibalik sa pinagkuhanan! Para mabawasan ang tensyon, ako na ang unang bumasag sa katahimikan, “Uy! Ang aga niyong bumalik ah. Na-miss kita,” sabi ko sa kanya. Tumawa pa ako kahit na wala ito sa lugar. Nahinto lang

