Pagpasok sa condo, agad akong natigilan sa may pintuan. Naningkit ang mga mata ko nang tingnan ang paligid dahil parang may kakaiba, may nagbago. Awtomatikong bumilog ang bibig ko nang mapagtantong mas umaliwalas ang unit ko, halatang may naglinis at nag-ayos habang wala ako. Napansin ko agad ang bagong kurtina na nakasabit sa bintana, bahagyang sumasayaw sa mahina ngunit preskong hangin. Malapit dito, may isang nakapasong halaman ang nagbigay-buhay sa paligid. Mayroon din nito sa tabi mismo ng TV. Sa kabilang sulok naman, may maliit na bookshelf na may ilang nakasalansang libro—mga pamagat na hindi akin, ngunit maingat na pinili. Sa kusina, may mga bagong gamit—mga plato, tasa, at kagamitan na dati ay wala. Walang-wala naman dito ang mga mumurahing gamit na nabili ko kanina. Nang buks

