Napapikit ako nang mariin; sandaling nahinto maging ang paghinga ko. May takot na namuo sa loob ko dahil sa maaaring sabihin ni Pietro tungkol sa bago kong tirahan. Balak ba niya ‘tong bawiin? Uutusan ba niya ‘kong bumalik sa mansyon? O ‘di kaya… natuklasan niya ang tungkol sa pagbisita ni Zavier! "It’s nice. Just the way I need it to be,” tipid ngunit makahulugan kong sagot. Kahit hindi ko naman sabihin, sigurado akong alam ni Pietro ang dahilan ng paglipat ko sa sariling lugar. But for everything else that bothers me, I have to assume he knows nothing. "Why don’t you invite me over?" bulong ni Pietro, tila isang utos kaysa isang hiling. "Have a little housewarming party. You can invite a friend or two." Kung imbitahan niya ang sarili ay para bang wala akong dapat ikabahala rito. Hou

