Parang may kutsilyong biglang hinugot sa dibdib ko. Nanghina ang katawan ko, muntik matumba kung hindi agad nahawakan ni Zavier sa magkabilang braso. Maingat niya akong isinandal sa couch bago tinabihan. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko kay Zavier ang bagay na kumakain sa sistema ko. At nang akala ko ay magtutuloy-tuloy ang kanyang tanong, natahimik siya, tila pinoproseso pa ang ipinagtapat ko. Tuloy ay ako naman ang hindi mapakali. Sa paglipas ng bawat segundo, parang sumisikip ang lalamunan ko. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya, kaya ako na ang bumasag sa katahimikan. “Alam kong hindi malaking bagay sa mafia ang pumatay, pero para sa—” “Did he force you to do it?” Matalim ang boses ni Zavier, bawat bitiw ng salita ay may bigat sa bibig niya. Natigilan ako. “What—” “D

