I wish things could be easier for us. Mabilis sinakop ni Zavier ang labi ko. Napaatras ako sa loob ng elevator, pero agad siyang sumunod – ang mga kamay niya’y maingat na nakahawak sa magkabilang pisngi ko, tila takot maputol ang paghalik sa ‘kin. May plano kami. May mabigat na dahilan kung bakit hindi namin ‘to dapat ginagawa ngayong gabi, kung bakit hindi kami dapat basta bumigay sa isa’t isa. Pero matagal ko nang tinanggap na minsan, sarili namin ang pinakamahirap na kalaban. Hindi ako tumutol. Hindi ko itinulak si Zavier papalayo. Pinanuod ko lang ang pagsarado ng pinto sa likuran namin, ang pagpindot niya para manatili itong nakasarado… bago ko ipinikit ang mga mata ko bilang pagsuko. Sinuklian ko ang intensidad ng halik ni Zavier sa abot ng makakaya ko. At nang parang kulang pa

