Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Zavier sa kamay ko. Bumagsak ang tingin ko rito bago tumingala sa kanya. Sinalubong ako ng nagtatanong niyang mga mata. “Would you like to rest at the penthouse first?" malumanay niyang alok. Kanina pa kasi ako walang imik dahil malalim ang iniisip. Puno ang utak ko ng napakaraming bagay. Hindi ito kaba dahil sa pagharap sa maraming tao. Alam ko sa sarili kong iba ang dahilan ng daga sa dibdib ko. “Ayos lang ba ang itsura ko?” simpleng tanong ko. Nasa Zamaré Grand Towers na kami, sa labas ng pinto ng function room. Kasama namin sina Andeng at Eddie na nasa likuran lang at naghihintay sa ‘ming pumasok. Mula sa kinatatayuan namin, medyo rinig ang ingay sa loob. Halos kumpleto na raw kasi lahat ng mga bisita namin. Sila-sila rin ang karaniwang nak

