Chapter 21 (Part 1)

2082 Words

Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Hindi ko alam kung seryoso ba si Zavier. Nagtataka rin ako kung bakit ganito na lang kalakas at kabilis ang t***k ng puso ko gayong nag-uusap lang naman kami. “Interesting?” medyo may katigasang pag-ulit ko sa isang salitang binigkas niya. Ito kasi ang nagpaulit-ulit sa isip ko. Parang nakalimutan ko na nga ang iba pa naming pinag-uusapan. Sa tagal ng naging pagbuntot ko kay Zavier noon sa Mariposa, nakatatak na sa isip ko na kailanman ay hindi siya magkakainteres sa tulad ko – isang pulubi at Marasubwa. Kaya malaking bagay marinig ngayon mula sa kanya na ‘interesting’ ako sa paningin niya. Tumikhim si Zavier at dito muling nagseryoso. Pag-upo ng maayos ay tumingin siya ng diretso sa ‘kin. “Do you remember what I told you when I first brought you he

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD