Chapter 84 (Part 2)

1536 Words

Hindi ako binigyan ng oras ni Pietro para makabawi ng lakas. Pagkagising ko pa lang, pinatayo niya ako at inutusang mag-ayos ng sarili. Wala akong pagpipilian. Binigyan niya ako ng baril at isinama sa operasyon ng kanyang grupo. Nasa gitna kami ng kagubatan malapit sa headquarters. Kakalubog lang ng araw, at ang dilim ay unti-unting gumagapang sa paligid. Ang hangin ay malamig, ngunit may init na dumidikit sa balat ko—init na dala ng tensyon. Ilang oras nang hinahabol ng Red Hand Society si Vera, at sigurado silang hindi pa ito nakakalayo. May bakas ng dugo sa mga dahon at putik. Ang huling update, may nakabaril daw dito. Mukhang hindi na ito makakalayo, hindi sa sugat na mayroon ito. Napapalibutan na ng mga tauhan ni Pietro ang buong kagubatan. Nagmistula itong hunting session para s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD