Kabanata 5

1009 Words
"I SAID DON'T COME HERE! Bingi po ba kayo o ano?" Hindi pa man ako nakakapasok ay rinig ko na ang sigaw ni baby damulag. Mukhang nakikipag-usap ito sa mga kaibigan niya na binibisita na naman siya. "We miss you, Khairro." - Rainiel. "Tsk. kung pupunta na lang din po sana kayo. Sana hindi na sumama pa si Kuya Charles." Mariin niyang sabi. "What the hell is your problem?!" - tumaas ang boses ni Charles. "ang problema ko po dito. Sana hindi ka sumama. Pag nakita na naman ako ng mga babae sa labas na kasama ka tatanungin na naman po ako sa'yo and that's what you like right? Inaask ako at mabigay ko ulit sa'yo ang mga number nila. I'm not dumb! I maybe innocent but not dumb. You know how I hates noises, cockroach and still you want an attention with girls using me. You don't want a disguise kapag kasama ka namin nina Kenrick. I hate playboy." - Baby damulag. "atleast kahit Playboy ako hindi ako iniiwan ng mga babaeng mahal ko. Hindi tulad mo iniwanan ka. Kaya ka nga nagkaganyan." "Po?" Kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi ni Charles. "Charles f*ck you ba't mo sinabi!" Dennis. "Put*ngina kase. Naiinis na ako. Noon at hanggang ngayon. Hindi parin siya nagbago." "You know his reason, Charles." Rainiel. "Wala akong pake sa rason siya-" lumapit ako at nakitang tinakpan ni Kendrick ang bunganga niya. Pero nagmatigas ito at nagsalita parin. Pero hindi nito natuloy ng marinig ang namimilipit sa sakit na si baby damulag habang hawak nito ang ulo. Kaagad akong tumakbo, nag-aalala. Pero tinulak ako nito at tumakbo palabas ng gate. Hindi ko na tinignan ang apat at sinundan si baby damulag sa labas na nakatakip ang mata at rinig ko ang hikbi. "Mommy. I want my Mommy." bulong niya. "Nandito na ako." usal ko. "No I want my real Mommy. I want my real Mommy. Huhu tell Kuya. Tell Kuya hik tell, tell Kuya. Tell Kuya." Paulit ulit ito. "Mommy, my head hurts so much. Mommy." Namumula narin ang mukha niya na mas lalo kong kinabahala. Tinawagan ko si Kayne at narinig ko ang mura nito sa kabilang linya. "Please, Vena. Make him happy. I don't know what to do when he's breaking down. I'll talk to his four friends. By the way, yung gamot na binigay ko sa'yo in case of emergency. Na sa'yo parin ba?" "Oo." "Painumin mo siya niyang gamot at pumunta kayo sa resort na pagmamay-ari. F*ck Charles." Binabaan narin ako nito ng linya. Ginawa ko naman ang sinabi ni Kayne. Sa kotse habang nagmamaneho si Nathan, ang driver. Tahimik lang si Baby damulag na kinalungkot ko. Madaldal kase ito pag umaalis kami. Hindi ngayon na napakatahimik at tulala. Hindi pwedeng ipilit siyang makaala. Dahil kung gawin nila yon. May posibilidad na wala na talaga siyang maalala at manatili siya sa ganyang sitwasyon. -- NANG tumuntong kami ni baby damulag sa nasabing resort. Namamangha ang tingin ko. Napakaganda! Pwedeng pwede sa mga turista. Kaso private 'to. Hindi pwede ang iba na walang pahintulot ng may- ari. Iniwan na kami ni Nathan rito dahil marami pa raw itong gagawin. "Baby damulag?" tawag ko rito ng nakatayo lang ito at walang imik. "Swim tayo?" tanong ko. "I don't know how to swim, Mommy." sagot niya. akala ko hindi na 'to sasagot pa eh. "Turuan na lang kita." bumaling ito sa akin at nagningning ang mata. "Talaga po? Matagal na kaseng gusto kong mag swim, Mommy kaso hindi naman ako marunong kaya hindi na lang po ako nag swim." "Oo naman tururuan kita. Basta h'wag mo na alalahanin 'yung kanina. Kalimutan mo na 'yon." Tumango ito. "Opo kase mas lalo lang sumasakit ulo ko pag naiisip ang sinabi ni Charles. Hmp kaibigan ko ba talaga yon eh anlaki laki na nila eh." Nagpahinga kami sa isang cottage na bubukod tangi sa lahat ng naroon. Kumain kami ng binigay ni Nathan. "Yummy!" Masaya ng sabi ni baby damulag. Masaya ko at masaya na rin ito. Nag- usap at naglaro kami sa buhanginan. Bago naisipan na lumangoy sa dagat. Mas gusto ko kase ang dagat kaysa sa swimming pool. Nagulat pa ako ng makita ang nasa loob ng bag. Isang swimsuit at trunks. Handang handa. May note doon. |ENJOY kayo, Ma'am Lopez ni Boss Khairro. Pakialagaan ng mabuti. Baka iba isipin niyo. Nga pala ang swimsuit ay isa sa pagmamay-ari ng gf ni Sir Kayne at sinabi niyang sa'yo na lang 'yan dahil gagamitin niyo ngayon. Enjoy and make my Boss happy.| Parehas namin sinuot ni Baby damulag yon sa restroom. Binati pa ito kanina ng mga nagbabantay sa resort. Napalunok pa ako ng ilang beses ng masilayan ko na naman ang anim na pandesal. Nakita kong napalunok rin si baby damulag ng tignan ako. "ang ganda niyo po, Mommy." Dahil ron naramdaman ko ang nagwawala kong puso. Maganda ako? Ngayon ko lang 'to narinig sa kaniya. Kahit na marami na ang nagsabi non. Iba parin kapag ang lalaking mahal mo ang mismong nagsabi. NAGKAROON ng katahimikan sa pagitan namin bago 'ko nakapagsalita. "Salamat." malaki ang ngiting sabi ko. "Welcome po, Mommy. Let's now swim?" Tumango ako. Tinuruan ko na itong lumangoy at madali lang itong natuto. Tumagal kami ron at hanggang sa naghapon na at umulan na lamang ay gusto pa nitong lumangoy. Nagbihis din kami ng sinabihan kong bumalik na kami sa cottage at kumain ng hinanda ng nagbabantay ng resort. Pero ilang oras ay napansin ko ang panginginig nito. Nang hawakan ko ang noo niya. Napamura ko sa isip. T*ngna! Nilalagnat ito... "Wait ka lang dito ah? Kailangan mo agad uminom ng-" "No..Mommy don't leave me. Stay here please don't." nanginig parin ito. "Pero kase -" "Stay here, Mommy." Niyakap ako nito sa likuran. "H'wag mo kong iwan, Vena." Naramdaman ko ang panginginig niya lalo. Bumahing pa ito. "H'wag mo kong iwan please nakikiusap ako." nanigas ako ng binulong pa nito yon. Humarap ako upang sabihin na kailangan ng saktong pagkaharap ko naramdaman ko na lang na magkalapat na ang labi naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD