DAHIL sa arte artehan namin ng mga bata. Binigyan ako ni Irina ng chocolates at libro para raw sa pasasalamat niya. The act is because she wanted to have more view or know what can be happened to the story that she would create and post in her legal age. Taray english at taray huh. Kahit na ilang taon pa lang si Irina ay may paganon na.
Ngayon ay nasa mansion na kami ni baby damulag. Nagpapahinga dahil sa pagod.
"I WANT YOU. I f*cking want you, baby. So please stop seducing me, okay?"
Nabuga ko ang iniinom kay baby damulag ng bigla na lang itong magsalita at 'yun pa ang sinabi.
"Mommy naman eh. Ba't mo sa akin binuga?! Gusto mo po ba ko magkasakit." busangot niyang sambit.
Lumiit ang mata ko at tinignan ito.
Shemay.
Nagulat ako at lumayo. Pinagpawisan pa ako ng hinubad niya ang suot.
and oh lah lah.
Maagang pandesal para sa kinabukasan na pang umagahan.
anim na pandesal ang nakabalandra sa akin.
Sarap na-
Sinampal ko ang sarili ng hindi napapansin ni baby damulag at baka akala nito baliw na ko.
Baliw sa pandesal niya na ngayon ko lang nakita.
Gusto kong tanungin kung paanong may pandesal ito.
Eh grabe. Siguro nag wowork out ito bago mangyari na naging si baby damulag ito.
Pinatunog nito ang ulo niya at pinunasan gamit ang suot kanina, ang nabasa sa kaniyang dibdib at pababa sa abs.
"Mommy, can you get my nightclothes spongebob in my closet." utos nito sa akin.
Mabilis ko yon kinuha ng hindi nagtatagal sa silid niya.
Inabot ko 'yon sa kaniya.
"Wipe it for me, Mommy. Tutal ikaw naman may kasalanan eh."
"Huh? ano? Eh kaya mo naman na. Bakit kailangan ako pa?" atungal ko pero sa loob loob ay gusto kong batukan ang sarili.
"I'm tired, Mommy." dahilan nito.
Napabuga ako ng hangin at pinataas ang kaniyang kamay para isuot 'yon.
Hinila ko na pababa at hindi ko pa sinasadya na masagi ang pandesal niyang nahihimutok at parang gustong hawakan.
Vena, kaya mo 'yan. Don't mind the temptation.
"Mommy, stop. Me na lang po pala." hinawakan pa nito ang kamay ko upang pigilan at tumalikod.
Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga na parang nahihirapan siya.
"Baket ang init ng pakiramdam ko. Eh malamig naman dito sa mansion."
"Ewan, Khairro. Siguro dapat kase naglinis ka muna bago nagbihis." Kausap nito sa sarili na hindi ko marinig masyado.
Pero kung ano man 'yon. Gusto kong itanong kase mukhang namomoroblema ito.
--
"SAAN mo nakuha yong sinabi mo kanina?" tanong ko kay baby damulag habang nasa sala kami at nakaupo sa sofa.
"Yon po ba, Mommy?" Ngumiti ito.
anong oras na pero sabi ni baby damulag gusto daw nitong hintayin ang Kuya niya kaya hindi na siguro ako makakauwi ng bahay namin.
"Oo yun. Walang iba."
"ah I heard it from my dumbass na kapatid."
"Nakinig ka ng usapan?" Hindi makapaniwalang tanong ko pa.
"HAHAHA can't help it, Mommy. I was curious po and Kuya seem to problematic that's why I went outside to his room and listen."
Napailing ako rito.
"Ito pa po ang whole na sabi niya, Mommy."
Tumalikod ito sa akin at umarteng kunyari may kausap.
"Baby, f*ck baby! You're really a seductress! an innocent seductress! I know you don't mean to seduce me but f*ck baby I am turn on right now. I want you. I f*cking want you, baby. So please stop seducing me, okay or do you want to be sore the next day dahil pupunta ko dyan.
Parang nagbabanta pa po si Kuya sa kausap niya. Hindi ko po gets ang sinasabi niya kaya nga po ba stress ako kakaisip non."
"Kalimutan mo na ang narinig mo. Saka nandyan na pala ang Kuya mo."
Tumayo ito at sinalubong ang kapatid niya na nakaigting ang panga.
"Kuya why so tagal po ba. Kanina pa kami nag aantay."
"Hindi ka dapat nakikinig ng usapan ng iba." Parang sermon na sabi ng Kuya niya.
"I was curious, okay?" Nakasimangot niyang aniya.
"Mommy, let's go at my room. Let's sleep. You can't go back po at your house lalo na't anong oras na po."
"Susunod ako." umalis na rin ito.
"Vena, thank you." Nakangiting usal ni Kayne sa akin.
Marami itong sinabi about sa mga do and don't kay baby damulag na pinakinggan kong mabuti.
Nang umakyat na ko para puntahan si Baby damulag.
Mas napagtuonan ko ng pansin ang kuwarto niya.
Maraming mga stickers ng pambata at laruan pambata rin ang nandoon.
Napakakalat kaya nilinis ko muna yon ng mabuti.
Inayos ko ang kumot na nasa katawan nito baka kase magkasakit ito dahil sa sobrang lamig. Tulog na tulog na rin ito.
at katulad ng ginagawa ng Ina sa anak. Hinalikan ko ang noo nito.
"Good night and sweet dreams. Baby damulag."
--
"SINUNGALING ka 'te. Wala namang announcement si Kayne na may girlfriend na siya eh."
edi ano yong narinig na usapan ni baby damulag? Fling ni Kayne? Imposible naman.
"Hindi ako nagsisinungaling. Baka hindi niya pa inannounce. Kung ayaw mo maniwala edi h'wag."
"Kainis naman! Sige kung totoo 'yan. Yung napakaguwapong lalaki na lang nasa wallper mo ang mamahalin ko at jojowain pag legal age na ko."
Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
How dare you, Hazel! Walang kapatid kapatid akin lang siya!
"Hindi pwede. Siya ay akin!"
"Sa'yo siya? Clown ka 'te. Sa'yo nga siya pero hindi niya 'yon alam. Feelingon amp."
"By the way, ano pala name niya?"
Letche. Baka pag sinabi ko kung sino mas lalong maging convincing na gustuhin nito.
Kase naman baby damulag ba't napakaguwapo mo at bakit nainlababo ako sa'yo.
"ano ka siniswerte ba't ko sasabihin."
"Makaalis na nga lang at may ilusyunada."
Siniswerte talaga ko.
Pinuntahan ko ang Kuya ko sa silid niya dahil may naisip akong itanong rito.
"T*ngna naman, Vena! Oras ng panunuod ko ng anime. Baket ba?" Himutok niya pa sa akin. Suot nito ang salamin at nakatitig parin sa laptop.
"Magtatanong lang sana ako."
"Tsk, ano ba 'yon? Hindi ka na lang mag search non."
Oo nga no. Pero nandito na rin ako mas mabuting itanong ko na lang.
"ano ba ang ibig sabihin ng Kanojo? Japanese word daw yon eh."
"Girlfriend. Sige umalis ka na."
Umalis na din ako ng malaman yon.
Kanojo huh. Kahit hindi alam ni baby damulag ang ibig sabihin non hindi ko maiwasan na maglumpasay sa kilig.